Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Vice Ganda

Ogie may pangarap kay Vice Ganda: Gusto ko siyang magka-anak

M AHIRAP kapag namatay kang mag-isa, kasi pagtagal hindi ka na maaala ng tao. Unlike ‘pag may anak ka, sasabihin ng anak mo, ‘ako po ‘yung anak ni Ogie Diaz.’”

Ito ang ibinigay na rason ni Ogie Diaz nang payuhan niya noon ang dating alaga at kaibigang si Vice Ganda ukol sa pagkakaroon ng para may makasama at magpatuloy ng legacy niya.

Kuwento ni Ogie nang minsang makatsikahan namin ito sa opening ng Tiger Winx Restaurant sa Panay Avenue, ”Noong nagkita kami sa Badminton, sabi ko, ‘teh ano na kung noon mo pa in-entertain (pag-aanak), eh, ‘di ilang taon na ang anak mo ngayon?’”

Pero ang isinasagot sa kanya lagi ng Unkabogable Phenomenal Star ay nandidiri, ”sabi niya (Vice), ‘teh, hindi ko naman kaya ‘yun!’

“Sabi ko, ‘gagah, hindi ka naman dyudyug, magbabati ka lang para lumabas ang semilya mo. Iku-culture ang semilya mo at imi-meet sa egg cell.”

Pati ang nanay ni Vice na si Gng. Rosario Viceral ay gustong magka-anak si Vice.

Sinabi pa ni Ogie na handa siyang samahan si Vice Ganda kahit sa Thailand kapag gusto na nitong mag-anak.

“Willing ko siyang samahan sa (Thailand), sobra kong pangarap ‘yun for Vice na magkaroon siya ng anak kasi sabi ko sa kanya mag-iiba ‘yung perspective mo in life, look mo in life kapag may anak ka.

“Mabubuhos ang atensiyon mo, nandiyang iingatan mo lalo ang sarili mo kasi gusto mong maabutang magka-apo ka sa anak mo,” giit pa ni Ogie.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …