Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Donnalyn, Super Tekla, at Marco nag-away-away dahil sa 1-M pool challenge

NAGKAROON ng hindi pagkakaunawaan sina actress-YouTuber Donnalyn Bartolome at hunk actor Marco Gumabao kasama rin si  Super Tekla.

Sa latest vlog ni Donna na pinamagatang Last to Leave the Pool wins 1 million, nagkaroon ng komprontasyon ang tatlo.

Nag-walkout umano sina Marco at Tekla sa pa-contest ni Donna dahil sa mga idinaragdag nitong rules na hindi malinaw. Habang tumatagal kasi ay may bagong rules at umabot na sa puntong naglagay ng insekto, ahas, at maliit na buwaya.

Bilang pag-iingat ay mayroon namang medic na gagamot sa kanila kung may mangyaring hindi maganda.

Sa kalagitnaan ng laro ay napansin ni Donna na umakyat si Marco sa railing ng pool at wala na ang paa sa tubig kaya sinabing out na ito.

Ipinaglaban ng hunk actor na hindi pa siya out dahil parte pa rin ng pool ang railing.

Ilang beses pinagsabihan ni Donna si Marco ngunit hindi ito naniwala at hindi pa rin umaalis sa pool.

Sa pagtagal ng challenge, naglagay ng marker ang staff na palatandaan kung hanggang saan dapat mamalagi ang kalahok.

Lumagpas si Tekla rito ngunit hindi umano niya naintindihan ang bagong rule na idinagdag kaya nakipagtalo rin. Ngunit nagdesisyon ang dalawa na umalis na lang sa pool.

Napatanong naman si Donna kung prank ba iyon dahil ngayon lang   siya nabastos sa isang collab.

Ayon kay Donna, P1-M ang premyo na galing mismo sa kanya kaya hindi talaga madali ang challenge.

Pagtatapos naman nito, sayang ang kanilang friendship.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …