Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo time out muna sa showbiz, tututok muna sa esports

INIWAN muna sandali ni Paulo Avelino ang pagpo-prodyus para mag-focus sa bagong kinahihiligan, ang esports. Ito ‘yung gaming na nakipag-collab siya sa esport companies.

Ang tinutukoy namin ay ang pakikipag-partner niya sa Cavite based na LuponWXC na kilala sa pagbo-broadcast ng esports tourneys at pagde-develop gayundin ng pagpo-promote ng game streamers.

Masayang ibinalita ni Paulo noong Martes via virtual media conference ang ukol sa online game na ito.

Aniya, nagsimula ang pakikipag-partner niya kay Nico “Kuyanic” Nazario, Lupon WXC CEO at founder nito nang may kinailangang equipment ang huli na mayroon siya.

Ang pagpapahiram o pagbibigay ng equipment na iyon ay naging daan para maging kapartner na siya sa LuponWXC na sinasabing nangangailangan ng mga mamahaling gamit para maisagawa.

Pagtatapat ni Paulo, kakaibang accomplishment ang nakukuha niya sa ginagawang pagtulong para maabot ang dream ng mga kapwa niya gamer.

Inamin din ni Paulo na bata pa man, mahilig na siyang maglaro ng iba’t ibang klaseng games sa computer particular na ang Counterstrike. Nakikipagpustahan din siya tulad ng ibang mga nahihilig maglaro nito.

Katunayan, nanalo na siya ng P50,000 mula sa pakikipaglaro ng Counterstrike laban sa mga kaibigan.

“I like seeing people becoming successful in the profession they choose,” sambit ng actor.

Iginiit pa ni Paulo na, “Happy ako na maging parte ng pagtulong sa pagpo-proseso nitong Philippine gaming at esports.

“I have recently tried Resident Evil Village. It’s too late for me to study DOTA. I’m more of a casual gamer these days,” pagbabahagi pa ng actor.

Sinabi pa ni Kuya Nic na mabubuo na ang kanilang gaming facility sa Gen. Trias, Cavite. ”Our main product is the broadcast of espors tournaments. Next is the development of gaming streamers. We’re also very much willing to lend our gamers to our Philippine teams.”

Naku tiyak na mas maraming gamer ang lalahok dahil sa pagtutok na ito ni Paulo rito. Wish ko lang na hindi pabayaan ng mga estudyanteng gamer ang kanilang pag-aaral.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …