Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mario Maurer na-happy kay Rabiya; Liza type jowain

WALANG takot na ibinandera ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang pagiging fan niya ng Thai actor na si Mario Maurer.

Sa kanyang Instagram Stories, inilagay nito ang isang artikulo ukol sa Thai actor at may caption na,”OMG!!! Fangirling rn.”

Tamang-tamang naitanong ang pagiging fan girl ni Rabiya kay Mario sa isinagawang virtual media conference dahil isa siya sa brand ambassadors ng TNT. Kasama ni Mario bilang brand ambassador ng TNT sina Nonkul Chanon at Gulf Kanawut. Sina Sue Ramirez at  Sarah Geronimo naman ang Pinoy endorsers. Ang pagharap nila noong Martes ay bilang paglulunsad na rin ng Kilig Saya campaign ng TNT.

Ani Mario, ”I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that.

“And you know I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish good luck.”

Pagkatapos ng Q and A with the press,  G na G namang naki-join sa iba’t ibang challenges at games ang tatlo. Isa sa nakatutuwang game ay ang Jowa or Tropa.

Sa Jowa or Tropa game, ipinakita ang pictures ng ilang Pinay actresses tulad nina Liza Soberano at Bea Alonzo.

Si Mario ang nagsabing Jowa para kay Liza.

Tinanong si Mario kung na-meet na ba niya in person ang aktres at nasabi nitong hindi pa.

Jowa rin ang sagot ni Gulf habang “tropa” naman si Nonkul sa alaga ni Ogie Diaz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …