Thursday , June 4 2026

Bidaman Wize pinanood ang sex scandal ni Jervy

USAP-USAPAN sa apat na sulok ang sunod-sunod na paglabas umano ng mga sex scandal ng ilan sa mga Bidaman ng It’s Showtime mula kay Miko Gallardo at recently nga ay ang scandal naman ni Jervy Delos Reyes.

Kaya naman natanong namin ang kasamahan nitong si Bidaman Wize Estabillo kung aware ba ito sa kumakalat na scanda ng kanyang co-Bidaman.

Ayon kay Wize, ”May nagse-send sa akin ng mga video na sinasabi na si Jervy daw ‘yun, at para malaman ko pinanood ko sandali ‘yung video kung totoo nga.

“Pero  sa napanood ko, parang hindi naman siya kasi blurd ‘yung mukha, at saka alam ko idineny na niya ito, kaya  siguro hindi siya ‘yun.

“Siguro kung siya na mismo ang aamin na siya ‘yun at saka na ako maniniwala,

“’Yung kay Miko naman hindi ko pa siya napapanood, pero baka kasi ka-look alike lang niya ‘yun.

Tinanong din namin si Wize na baka sa susunod siya naman ang ma-issue na may sex scandal.

“Naku malabo po ‘yun, walang lalabas dahil wala akong scandal, ‘di sa pagmamalinis pero wala po talaga.”

Pero inamin nitong marami pa rin ang nag-aalok sa kanya ng salapi at mamahaling gamit kapalit ang one night stand. Hindi na lang nito pinapansin.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …