Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyanteng nabudol ni Francis Leo Marcos maghaharap ng reklamo

MINABUTI ng businesswoman (na nasa realty business) na si Mary Ann Faustino Victori na magkuwento ukol sa umano’y pang-i-scam na sa kanya ng tinatawag na #MayamanChallenge na si Francis Leo Marcos.

May totoong pangalan ito pero nang magpakilala sa kanya ay ipinangalandakang may relasyon siya sa mga Marcos. Isa pa nga raw na sinabi ng naka-deal niya sa pag-aakalang mapupunta sa magandang intensiyon ang sako-sakong bigas, pati ang perang ipinaluwal niya eh, ito raw ang nagma-may-ari ng Magat Dam.

Ang tanong tuloy kay Mary Ann ng mga nakausap na miyembro ng media eh kung masasabi ba niyang nabudol siya ng taong ito?

Si Mary Ann na rin ang nagsabing kasalukuyang nakapiit si Francis  pero nakakagalaw pa rin ito sa pamamagitan ng mga tauhan na nasa labas at nakakaloko pa rin ng mga OFW.

Gusto lang ni Mary Ann na mawarningan ang mga patuloy pang naloloko ng lumoko sa kanya dahil umabot din sa milyon ang halagang nakuha sa kanya.

“Pero ngayon, parang ako pa ang binabaligtad at gustong palabasin na ako ang may utang sa kanya. Kaya kailangan ko ng magsalita. Marami pa siyang sinabing may mga utang sa kanya. Pati nga si Senator Manny Pacquaio eh, kung ano-ano rin ang paninira sa kanya. Pati na si Mayor Sara (Duterte). Marami siyang mga kuwento.”

Idinulog na nga ni Mary Ann sa mga tamang awtoridad ang mga kasong nais niyang isampa laban sa taong ito na aminado naman siyang dapat eh, noon pa raw niya ginawa.

Gusto ni Mary Ann na umingay ang nasabing kaso bilang warning na rin sa mga posible pang maloko at makuhanan ng malaking halaga ng kanyang inirereklamo at ng mga tauhan nito.

Si Arnell Ignacio ang nag-suggest kay Mary Ann na mas magandang magpa-interbyu na siya para malaman ang nangyari sa kanya ng mga tao.

Kaya si Arnell kasama ang sexy star na si Keana Reeves ang nag-host sa nasabing presscon.

Sangkaterba na rin nga ang nakilalang scammers ni Arnell. Kaya bilang kakilala ni Mary Ann, ito ang naging suhestiyon niya sa negosyanteng nagsisisi dahil hindi nakinig sa paalala ng mga anak.

“Ayoko rin niyong balitang nakarating sa akin sa mga pambababoy na ginagawa niya sa kababaihan. Ito naman eh ginagawa ko na rin dahil sa pagmamahal ko sa mga anak ko.”

Sa madaling panahon, ipa-file na ni Mary Ann ang mga kaso niya laban sa sinasabi niyang nang-scam sa kanya.

At dahil natuwa rin siya sa mga nakausap na media, nangako ito sa sarili rin niyang pa-pantry katuwang sina Arnell at Keana.

Ang tanong, mabawi o mabalik pa kaya sa kanya ang malaking halagang nahaklit sa kanya?

Inamin din niya na may death threats na siyang tinatanggap.

Kasihan nawa siya ng magandang kapalaran!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …