Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marinella Moran magbabalik-showbiz, anak na si Alexander future child star

POSIBLENG very soon ay may sumulpot na future child star sa bansa. May isa kasing napaka-cute na toddler na nagngangalang Alexander Robin Hardman na sasabak sa showbiz at naghihintay na lang maging okay ang CoVid-19 situation sa bansa.
 
Ang former child wonder ng showbiz world na si Niño Muhlach ang naalala namin nang nakita ko si Alexander. Si Onin ay sumikat nang husto noon bilang child star at ilang taong namayagpag.
 
Si Alexander ay two years old at youngest son ng former actress na si Marinella Moran.
 
Actually, makakasama niya sa pagbabalik sa bansa ang baby boy niyang si Alexander. Naibalita sa amin ni Marinella na ngayon pa lang ay maraming offers na kay Alexander.
 
Sobrang loveable at cute kasi ni Alexander kaya hindi nakapagtatakang may mga naka-line up na projects na sa kanya.
 
“If there is a chance sa showbiz, okay lang po na pumasok siya. But sa ngayon, ang daming nag-offer na ng commercials and print ads and billboard sa anak ko,” masayang kuwento ni Marinella.
 
Si Marinella ay former contract artist ng Seiko Films ni Boss Robbie Tan. Ngayon ay nakabase na siya sa Singapore, may masayang pamilya, at isang matagumpay na businesswoman.
 
Halos 40 movies ang nagawa ni Marinella na nakilala noong 90s. Pero nang naisipang magtapos ng kolehiyo, tumigil siya sa pag-aartista hanggang magkaroon na ng pamilya.
 
Nakatakdang umuwi ng bansa si Marinella very soon, magprodyus ng pelikula, at magbalik-acting.
 
Kabilang sa pinagkakaabalahan niya, bukod sa pamilya ay ang kanyang business na beauty line cosmestics and trading company. Mayroon din siyang YouTube channel.
Aniya, “Hinihintay ko lang maging okay ang border po, then babalik na ako riyan. Supposed to be last year pa, but because of this virus issue we are facing right now, that stops me from being there in Manila.”
First movie niya ang Klaudia Koronel-Anton Bernardo starrer titled Anakan Mo Ako ng Seiko Films. Itinuturing naman niyang most memorable at biggest break ang pelikulang Sa Paraiso ni Efren ni Anton Bernardo.
 
Kuwento ni Marinella, “Kasi po, it was remarkable that I was very new in the showbiz industry and I was chosen to be nominated as Best Supporting Actress.”
 
Actually, ang pagka-miss niya sa showbiz ay nagsimula sa kasagsagan ng pandemic bunsod ng CoVid-19. Noong panahon daw kasi ng lockdown sa Singapore ay nagkaroon siya ng time at chance na mapanood ang kanyang mga lumang pelikula.
 
Pahayag ni Marinella, “Na-miss ko ang showbiz specially when the pandemic started. Kasi, I have time to watch my old movies and I miss so much iyong mga reporter or journalist na mga friends ko. And ‘yung mga call time kapag may shooting or shows.
 
“Tumigil ako sa showbiz noong 2006, because of my studies and I feel that at my age I want to start a family, get married, have kids and put up a small business in Singapore.”
 
Bukod kina Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, at Rosanna Roces, sino pa ang gusto niyang kunin sa drama movie na gusto niyang i-produce?
 
“Hopefully we can work with Claudine (Barretto) if we are lucky and marami pang iba,” saad pa ng magandang alaga ni Lito de Guzman.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …