DAHIL sa pamba-bash ng ilang Pinoy beauty pageant fans sa kapwa niya Miss Universe 2020 candidates na sina Miss Thailand Amanda Obdam at Miss Canada Nova Stevens, humingi ng paumanhin ang ating kandidatang si Rabiya Mateo sa inasal ng ilan nating kababayan.
Sa Zoom media conference na dinaluhan namin mismo (Miyerkoles ng umaga, May 5 dito sa Pilipinas at Martes ng gabi, May 4 sa Florida, USA), nagbigay ng pahayag si Rabiya tungkol dito.
Sinabi ni Rabiya na nalungkot siya sa mga ilang pangyayari sa beauty pageant world.
“You know what, it makes me really sad.
“I saw the post of Nova earlier today and I really feel sorry for her because nobody deserves to be in that position.
“I’ve been bashed, you know. And there was a moment that a lot of people would tell me, ‘That’s normal, you’re a beauty queen.’
“But I’ve seen how… it affected not just me but also other candidates. We have a WhatsApp group and we would talk about it.
“Even Miss Chile would be very much open about the frustration that she’s getting from reading her social media.”
Nag-post si Miss Canada, na may dugong African, sa kanyang Instagram account ng mga panlalait ng ilang Pinoy pageant enthusiast sa kanya, partikular na sa kanyang kulay.
Dahil sa kanyang maitim na kutis, ilan sa salitang panlalait na tinanggap ni Nova ay “nognog,” “Katakot,” “akala ko engkanto,” “hindi sa hinuhusgahan ko pero natatakot ako sa kanya promise, parang hindi sya tao,” at “Tostadong tostado na nga, NASUNOG pa.”
Kaya naman gumawa si Rabiya ng hakbang at humingi ng tulong sa kanyang mga tagasuporta. Nais ni Rabiya na matigil ang mga ganitong pananakit ng damdamin, lalo pa nga at galing sa ilan niyang mga kababayan.
“I would always… from time to time, I would ask a general meeting with my solid support group and I would tell them, ‘Once you see somebody getting bashed, you report that account, you correct them.’
“And it doesn’t feel good, it doesn’t feel nice [to be bashed]. And I need to do something to stop it.”
Bukod dito, personal ding nagpadala si Rabiya ng mensahe kina Amanda at Nova para humingi ng paumanhin sa negatibo at mapanlait na comments at pamba-bash na natanggap ng mga ito mula sa ilang Pinoy pageant fans.
“And actually, I talked to several girls. I actually personally sent messages to Amanda, to Nova saying sorry.
“Because these hate speeches that we see online, this is not a reflection of who we are as Filipinos.
“I can say that we do love pageants, and we support girls.
“And with Miss Universe, the goal is to celebrate the differences and to be with the girls and the cause that they stand for.”
Hindi lamang iyan, gagawa rin si Rabiya ng anti-bullying campaign video.
“That’s why this is a very emotional topic. And I would always campaign, as a person, I do not tolerate bullying in all forms and in always.
“That’s why I’m actually planning to make a video, me and the organization is planning to make a video to make an appeal to the public to stop being rude. Because it costs nothing to be kind.”
Isa si Rabiya sa 74 candidates ng Miss Universe 2020 pageant na ang grand coronation night ay gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas), sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.
Rated R
ni Rommel Gonzales