Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline Quinto gagawa ng 10-month digital concert (May magka-interes kaya?)

KUNG ano-anong gimmick ang ginagawa ngayon ni Angeline Quinto lalo sa kanyang Vlog. Minsan kunwari ay wala siyang alam na may natutulog na lalaki sa kama niya. Pero alam naman niya ito dahil siya ang nagpatuloy kay Enchong Dee, ang guy na nakita sa Vlog.
 
Gaya ni Erik Santos ay close si Angeline kay Enchong kaya kapag kailangan niya nang ka-collab sa kanyang vlog ay hindi siya pinahihindian ng dalawa.
 
Samantala, sa isang interview ay ibinalita ni Angeline na pinaghahandaan na niya ang gagawing
10-month digital concert, at every month ay may
guest siyang artist na mga ka-close niya.
 
Wow, parang first time yata sa isang local singer na
kagaya ni Angeline na gumawa ng ganito kahabang konsiyerto. Kung sina Sharon Cuneta at Regine
Velasquez nga o Sarah Geronimo hanggang 2 nights concert lang. Parang ang taas naman ata ng ilusyon ni Angeline.
 
Ang tanong sa haba ng gagawin niyang concert ay mae-expect bang every month ay may bibili ng tickets. The most, one up to three months ay baka may magtiyagang manood pero ‘yung mga susunod ay magiging flopsina na. Ang nakalolokah, kung si Angeline pa ang producer siguradong malulugi siya rito.
 
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …