Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua Garcia ipapareha kay Nancy sa Soulmate at kay Jane sa Darna 

TOTOO nga kanyang si Joshua Garcia na ang napipisil na leading man ni Momoland’s Nancy McDonie?

Ito ang usap-usapan ngayon sa online lalo’t nabalitang babalik ng Pilipinas si Nancy sa June 2021 para simulan na ang taping ng matagal nang naplanong The Soulmate Project.

Kinompirma rin ng talent agency ni Nancy, ang MLD Entertainment sa pamamagitang ng Instagram Live ang pagpunta ng singer/aktres sa ‘Pinas para masimulan na ang taping.

Bagamat wala pang kompirmasyon sa parte ni Joshua na siya na ang bagong leading man ni Nancy kapalit ni James Reid, naibalita na ito sa HOLA PH.

Post ng HOLA.PH”Sa June 2021 magbabalik si Nancyy sa Pilipinas galing South Korea, ito ang inanunsyo sa Instagram Live ng kanyang talent agency na MLD Entertainment.”

Ang The Soulmate Project ay ididirehe ni Antoinette Jadaone na mayroong 13 episodes.

February 2021 nang ibahagi ni James na hindi na siya magiging parte ng The Soulmate Project.

Sa kabilang banda, sinasabing si Joshua rin ang magiging leading man ni Jane de Leon sa TV remake ng Darna.

Hindi sinasadyang naibulalas ni Direk Rahyan Carlos sa virtual conference ng Star Magic Workshops na magiging parte si Joshua ng Darna.

Sinabi nito na noong una’y tila hindi seryoso si Joshua sa pagdalo ng workshop hanggang sa pagsabihan ito. Tumimo naman ang pangaral sa actor kaya ito na mismo ang nag-request ng workshop. At simula nang sineryoso ni Joshua ang workshop, maraming opportunities ang nagbukas sa kanya, kasama na ang Darna.

“Lumapit sa akin si Joshua humihingi siya ng workshop. Sabi niya, ‘Direk mayroon akong role. Mayroon ako ngayon for ‘Darna,’ pwede bang mag-one-on-one workshop sa iyo?” kuwento ng director.

So abangang ang magagandang line-up projects for Joshua.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …