Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle De Leon kinatawan ng PH sa Miss Multinational 2021

PANAHON na naman ng mga pageant. Katatapos lang ng Miss Grand International na ginanap sa Thailand na naging 1st runner-up si Samantha Bernardo na sinundan ni Kelley Day, 1st runner-up din sa  Miss Eco International, si Isabelle Daza De Leon naman ang pambato natin sa Miss Multinational 2021 na gaganapin sa New Delhi, India sa June.

Si Rabiya Mateo naman sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa  Florida, USA sa May 16.

Ayon kay Isabelle, grabeng paghahanda ang ginagawa niya mula sa  pangangatawan na laging nag-eehersisyo para mapanatili ang magandang hubog ng katawan, hangggang sa Question and Answer  at ang kanyang Passarela.

Dapat sana’y last year lalaban si Isabelle na naudlot dahil sa Covid-19 Pandemic at ngayong taon nga ay matutuloy na, kaya naman masusing paghahanda ang ginagawa nito para masungkit ang korona.

Humihingi ng suporta si Isabelle sa mga Filipino na ipagdasal siya para sa kanyang laban sa June 2021 sa New Delhi, India para sa Miss Multinational 2021.

Wala pang napipiling kinatawan ang Pilipinas para sa Miss WorldMiss Supranational, at Miss International 2021.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …