Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday at Piolo posibleng magbida sa Pinoy version ng Doctor Foster

ISA raw si Judy Ann sa balitang pinagpipilian ng ABS-CBN para magbida sa seryeng Doctor Foster, sikat na British drama series. Bale siya ang posibleng gumanap na legal wife. Si Piolo Pascual naman ang isina-suggest na gumanap na asawa ng aktres sa serye.

Kamakailan inihayag ng ABS-CBN na magkakaroon na ng Pinoy adaptation ang sikat na British drama series na Doctor Foster nang makipagkasundo ng ABS-CBN Entertainment sa BBC Studios na gumawa ng local version para sa Pinoy viewers.

Unang ipinalabas ng ABS-CBN ang South Korean adaptation nitong  The World Of The Married (The World Of A Married Couple) sa Kapamilya Channel noong Hunyo, 2020 kasunod ng pagkilalang nakuha nito bilang highest-rating South Korean cable TV drama sa kasaysayan.

Ang Pinoy remake ng Doctor Foster ang una para sa isang scripted British series pagkatapos pumatok sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kakaibang kuwento nito ng pagtataksil at paghihiganti.

Ang serye ay kuwento ng isang babaeng biniyayaan ng isang masaya at kompletong pamilya, na dahan-dahang mawawasak sa oras na makutuban niyang nanloloko ang kanyang asawa hanggang sa makompirma niya ito.

Ang Pilipinas ang ikaanim na bansang gagawa ng sarili nitong bersiyon ng Doctor Foster pagkatapos ng South Korea, India (Out of Love), Russia (Tell Me the Truth), Turkey (Sadakatsiz), at France (Infidéle).

Ang original British series naman ay isinulat ni Mike Bartlett para sa BBC One sa produksiyon ng Drama Republic.

Malapit nang ianunsiyo ng ABS-CBN Entertainment ang local title ng  Doctor Foster, gayundin ang aktres na bibida at ang iba pang cast na magbibigay-buhay sa Pinoy remake nito.

Sa role naman nakabit, maugong ang chika na isa kina Janine Gutierrez at Charlie Dizon ang pinagpipilian.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …