Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cloe Barreto, masaya sa feedback sa launching movie niyang Silab

AMINADO si Cloe Barreto na mahirap ang natokang papel sa kanya sa pelikulang Silab. Tampok ang aktres sa naturang proyekto na isang psychological-sex-drama movie, mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.

Dalawa ang leading men ni Cloe sa pelikula, sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Lahad ni Cloe, “Napaka-complex ng character ko sa pelikulang ito. Paiba-iba rin iyong emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman (siya) nang maayos.”

Ayon sa magandang aktres, nakaramdam siya ng kakaibang excitement sa kanilang launching movie.

Saad ni Cloe, “Sobrang excitement po ang nararamdaman ko, hanggang ngayon nga po ay hindi po ako halos makapaniwala na nakagawa ako ng movie na ako pa iyong isa sa bida. Hindi pa rin po ako makapaniwala talaga.”

Mula sa pamamahala ng batikang director na si Joel Lamangan at sa panulat ni Raquel Villavicencio, bahagi rin ng cast sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

Bukod sa ganda ng script, direction, at superb acting ng cast ng Silab, maganda rin ang cinematography ng pelikula.

Puring-puri ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikulang ito.

“Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose noong nagsisimula siya sa pelikula,” papuri ni Direk Joel kay Cloe.

Nabanggit ni Cloe na natutuwa siya sa magandang feedback sa kanya sa pelikula dahil parang hindi raw baguhan ang acting niya sa Silab.

Sambit ng aktres, “Sobra pong natuwa, at least, kahit paano ay napapansin ako. Pero ginawa ko po talaga ‘yung best ko, so parang nakatataba po ng puso na makarinig ng comments na ganoon.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …