Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Yap sa lock-in taping: tuloy-tuloy ang trabaho kaya mabilis

BILANG bahagi ng new normal ang lock-in taping, tinanong namin si Richard Yap sakaling magbalik na sa normal ang lahat at tapos na ang pandemya, pabor ba siya na ituloy ng mga TV and movie production ang lock-in taping and shooting? O mas gusto niyang bumalik sa dating nakasanayang nag-uuwian ang lahat tuwing matatapos ang trabaho ng mga artista at production team?

“Well, we’ve experienced both ano, ‘yung lock-in and ‘yung normal na taping natin but maganda rin actually ang lock-in taping because tuloy-tuloy ‘yung trabaho and then tuloy-tuloy din ‘yung pag-ano mo ng character mo, hindi napuputol.

“So parang hindi… you don’t have to move in and out of your character.

“Kasi let’s say kung araw-araw kayong nagte-taping, maganda rin ‘yung tuloy-tuloy din ‘yung pag-portray mo so either way it’s okay, it’s okay. 

“Pero parang mas mabilis ‘yung lock-in taping din to finish a show. 

“Parang mas cohesive na lalabas ‘yung show because everyone is there, mas maganda ‘yung bonding din ng lahat ng tao, and all the staff and cast. 

“So I think there’s also a positive aspect to the lock in tapings.”

Maraming may crush kay Richard kahit isa siyang happily married man sa kanyang misis na si Melody.

Ano ang reaksiyon niya at ng asawa niya kapag marami ang nagkakagusto sa kanya?  Wala bang selosang nagaganap?

“Wala naman kasi we don’t treat it seriously kasi usually sinasabi lang naman nila, like they tweet or they comment na, ‘ Ang guwapo mo! Ang pogi mo!’

“Sabi ko, eh dati naman, noong hindi pa ako nag-aartista wala namang nagsasabi sa akin niyon so baka effect lang ng TV ‘yun,” at tumawa si Richard.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …