Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gladys single uli — Masarap pala mag-isa

MATAPOS ngang mawindang na naman ang kanyang pinasok na lovelife, gaya ni Marissa Sanchez, lipad na rin muna sa Amerika ang komedyanang si Gladys Guevarra.

Hinarap naman nito ang dumating na pandemya sa buong mundo mula pa noong isang taon. At napagbalingan nga nito ang pagne-negosyo ng mga kakanin sa pamamalagi niya sa Pampanga. Katuwang pa niya noon ang kanyang “Papa”.

Pero bago matapos ang taon, sa splitsville rin bumaling ang direksiyon nila.

Kaya nang mabalitang nasa Amerika ito, naisip din ng malalapit kay Gladys na malamang maghi-heal ito ng kanyang broken heart doon.

At ang tanging kasama niya ay ang alagang aso na si Bherger na parang tao kung tratuhin niya.

At kasama niya sa lahat ng bagay o pangyayari sa buhay niya.

A week ago, may nai-share na post at video sa amin ang tila nagdadalagang komedyante at sa isang sing-along sa bahay na roon siya tumutuloy eh, mayroon na siyang ka-holding hands. Mico ang name ng guy. Medyo bagets. Maganda ang boses. Papable.

Umulan nga ng tuksuhan sa thread ng nasabing video. Kasi, kitang-kita naman talaga ang kakaibang glow sa mga mata ni Gladys.

Naghihintay pa nga kami ng mas mahaba-habang tsika sana sa bago na namang kabanata ng buhay niya.

Bukod sa nakapagpa-vaccine na siya, inaabangan naman talaga ng mga kaibigan niya ang kung saan na naman makararating ang ikot ng kanyang bago na sanang lovelife.

Eto na. Nag-post ng lakwatsa niya sa Las Vegas, Nevada ang dalaga!

Simple lang naman ang post niya.

“Masarap pala mag isa? 

“Tapos nakapambahay kang pupunta sa Ceasar’s Masaya pag mag isa ka lang ulit. Mag isa kang tumatapang, lumalaban. Mag isa kang nakaka appreciate ng anu ang gusto mo para sa sarili mo. 

“Malaya kang mapipili lahat ng gusto mo o ayaw mo. Wala kang iintindihing sasama ang loob pag may mali kang desisyon. Sige na nga, i’ll embrace this. Mag isa nalang ako ulit. #changinggameplan.”

With the hashtags:  #fighting #labansydalg #dontbehardonyourself

Kaya, back to being alone but definitely not lonely ang komedyana. As long as Bherger’s on her side, napalalampas na ng romantika at mangingibig na si Gladys kung totodo na naman ba siya sa pagsusugal sa pag-ibig.

Sanay na naman itong sumugal lagi pagdating sa puso niya.

Since nasa Ceasar’s Palace naman siya at nakapambahay lang sa pagmumuni-muni sa kanyang pagso-solo flight, baka naman ang suwerte niya eh nasa slot machines.

Malay natin. Makibalita tayong muli in her next tsika! Let’s wish her the best pa rin! Fingers crossed.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …