Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay sobrang kinabahan nang makaharap si Direk Joel

NAGSIMULA na ang shooting ng Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa na isa sa lead actor ay si Teejay Marquez.

Ani Teejay, magkahalong saya, takot, at excitement ang naramdaman niya sa locked-in shooting nila dahil first time niyang makakatrabaho ang batikang director na si Joel Lamangan.

Alam naman kasi ng actor na metikuloso si Lamangan. Pero dream come true ns makatrabaho ang mahusay na director dahil matagal na rin nitong pangarap na maidirehe siya nito.

Kaya naman bago ang shooting, inaral na ni Teejay ang kanyang script at character na gagampaman para handang-handa na siya sa kanilang shooting.

Mas kinabog ang dibdib nito nang makaharap na si Direk Joel, pero nawala ang kaba habang tumatagal ang kanilang shooting.

Mas humanga si Teejay sa sobrang husay at bilis magtrabaho ni Direk Joel at marami itong natutuhan mula sa tamang timpla ng pag-arte hangang sa pagiging propesyonal sa trabaho.

Saludo rin si Teejay sa husay ng kanyang mga kasama sa pelikula mula kina Edgar Allan Guzman, Mimi Juareza, Lou Veloso, Rosanna Roces, Sean De Guzman, Sunshine Garcia, Dave Bornea, Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, at Phi Palmos. Hatid ng Heaven’s Best Entertainment na pag-aari ni Harlene Bautista.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …