Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego thankful sa 2nd chance sa showbiz

THANKFUL si Diego Loyzaga na sa pagpasok ng 2021, isa-isang natutupad ang mga wish niya. Ito ay ang another chance (sa showbiz), another projects, at makagawa ng ilang movies.

Sa virtual media conference ng bagong pelikulang handog ng VivaMax Original, ang Death of a Girlfrield sinabi ni Diego na natutuwa siya na maganda ang naging pagbabalik-showbiz niya at nabigyan muli siya ng second chance sa showbiz.

“Simula noong magbalik ako, then starting 2021 dumating talaga lahat. I have to thank the management for trusting me and thank God for all of this and I’m happy,” simula ni Diego.

Sinabi pa ni Diego na mas focus na siya ngayon sa career niya.

“Mas focus ako sa ginagawa ko ngayon at mas alam ko na ang dapat kong gawin. I just have to make sure na to keep on doing what is right,” dagdag pa ng actor.

Samantala, ang Death of a Girlfriend ay latest na pelikula ni Yam Laranas, ang direktor ng mga award-winning na thrillers at horror films gaya ng Sigaw at Aurora.

Sa pelikulang ito ay sinabak naman ni Direk Yam ang genre ng mystery-love story na pinagbibidahan nina Diego at AJ Raval.

Ito ang unang pagsasama sa isang pelikula nina Diego at AJ. Kaya naman bukod sa nakaiintrigang kuwento, kaabang-abang din ang on-screen chemistry ng dalawa.

Mapapanood ang thrilling love trip ng Death of a Girlfriend sa Abril 30, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.

Ang Death of a Girlfriend ay isang mystery love story na hahanapin ang katotohanan base sa kuwento ng tatlong taong nasasangkot sa isang brutal na krimen.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …