Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia saludo sa mga katapat sa 36th Star Awards

HINDI umaasa si Sylvia Sanchez na masusungkit ang Best Actress trophy sa darating na 36th PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Jesusa.

Ani Sylvia, ”Sa tuwing mano-nominate ako sa bawat award giving bodies hindi ako umaasa na mananalo, lalo na’t marami rin namang magagaling na actress diyan na makakalaban mo.

“Basta sa akin masaya na ako na ginagawa ko ng tama ‘yung role na ginagampanan ko at nagustuhan ng mga manonood okey na sa akin ‘yun. If mananalo ako, bonus na ‘yun sa akin.

“’Yung maihanay ka lang na nominado sa mahuhusay na actress katulad nina Bea Alonzo (Unbreakable), Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Angie Ferro (Lola Igna), Sarah Geronimo (Unforgettable), Janine Gutierrez (Babae At Baril), Ruby Ruiz (Iska), Judy Ann Santos (Mindanao), Jodi Sta. Maria (Clarita) malaking karangalan na.

“Kaya ‘yung ma-nominate lang ako sa proyektong ginawa ko masayang-masaya na ako, kasi ibig sabihin, nagustuhan nila ‘yung ginawa kong trabaho.”

Bukod sa nominasyon sa 36th PMPC Star Awards for Movies , malaki rin ang posibilidad na ma-nominate uli ito next year sa iba’t ibang award giving bodies sa telebisyon para sa mahusay na pagganap sa Wag Kang Mangamba.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …