Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marinella Moran balik-showbiz; gwapong anak ibabandera

IBA talaga ang kaway ng showbiz. Kahit sino ang umalis, tiyak na babalik at babalik. Ito ang nangyari kay Marinella Moran na bagamat maganda na ang career sa Singapore, heto’t babalik pa rin ng ‘Pinas para balikan ang career sa showbiz.

Kaliwa’t kanan kasi ang alok sa dating sexy actress kaya naman hindi ito makatanggi.

At sa pagbabalik-showbiz ni Kuting, (tawag kay Marinella) kasama nito ang napaka-gwapo at bibong anak na si Alexander Robin Hardman, na  bumibida na rin sa mga commercial at print ads international.

Ayon sa manager ni Marinella na si Throy Catan, may mga nakahanda na ring project para kay Alexander at natutuwa siya na magiging aktibo pareho ang mag-ina.

Sumikat noon si Marinella na sa pelikulang Sa Paraiso ni Efren lalong tumatak ang galing sa pag-arte. Nanominate pa nga siya sa isa sa mga award giving body noon dahil sa pelikulang ito.

Iniwan ni Marinella ang showbiz nang magpakasal noong 2005 at manirahan sa Singapore .

Sa ngayon maganda ang buhay ni Marinella at may mga malalaking business tulad ng beauty product at iba pa.

Excited na si Marinella sa pag-uwi ng Pilipinas na hindi lang pag-arte ang uuwian kundi pati ang pagkakawanggawa. Gusto raw nitong tulungan ang film industry na masyadong naapektuhan ng pandemya.

Aminado si Marinella na na-miss niya ang pag-arte kaya naman marami siyang pasabog na gagawin pag-uwing-pag-uwi. Handa na rin ang pelikulang gagawin niya.

At tulad ng ibang artista, handa siyang gampanan anumang role ang ibigay sa kanya kahit mother role pa iyon. ”Drama o comedy okey na okey,” sambit nito.

“I am excited to be part of this upcoming movie. For now I want everything to be a secret. Details to follow,” pagbabahagi pa ni Marinella.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …