Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maxine naiyak sa eksena nina Janine at Lotlot

NERBIYOS ang naramdaman ni Janine Gutierrez sa pagsasama nila ng ina niyang si Lotlot de Leon sa pelikulang Dito at Doon.

“Ano kasi, parang feeling ko I have to step up kapag si Mama ‘yung kaeksena ko dahil nga siyempre, nanay ko siya at lahat naman ng ginagawa ko ay para maging proud siya.

“On one hand, it’s easier dahil nanay ko siya, on another hand, it’s harder dahil nanay ko siya.

“It was very fun at na-appreciate ko na talagang ginawan niya ng paraan na magawa niya ‘yung pelikula sa schedule niya at lahat- lahat.”

Pero sa kabilang banda naman, dahil mag-ina nga sila at tila magkabarkada kung magturingan sa tunay na buhay, nagaanan din naman si Janine sa mga eksena nila ni Lotlot.

“On one hand, it’s easier dahil nanay ko siya. On another hand, it’s harder dahil nanay ko siya,” at tumawa si Janine.

May eksena silang niyakap ito dahil sa pag-aalala dahil sa isang delikadong sitwasyon sa pelikula, mas nakatulong ba kay Janine na totoong ina niya mismo ang kaeksena niya?

“Parang hindi po, mas kinabahan ako eh,” at muling tumawa ang aktres. ‘Mas kinabahan ako. Ewan ko ba, anong problema ko… charot! It was hard for me dahil… I don’t know…”

Pagpapatuloy pang kuwento ni Janine, “Mas na-feel ko noong pinanonood ko na siya. I watched it kasi with my siblings, tapos lahat kami kapag papasok si Mama sabay parang sisigaw kami, ‘Wooh!’

“Tapos parang noong medyo alanganin ‘yung sitwasyon, ‘yung kapatid ko umiyak, ganyan.”

Umiyak daw ang bunsong kapatid niyang si Maxine Gutierrez sa dramatic scene na iyon nila ng Mama nila.

“So parang on screen, mas nakaka-affect siya for me. Pero while shooting it, mas kinakabahan po ako, kaya tinulungan pa talaga ako ni direk JP sa eksena na ‘yun, kasi ano… ewan ko, nai-starstruck po kasi siguro ako sa nanay ko,” pahayag pa ni Janine.

Available na for streaming ang Dito at Doon sa limang major online platforms: KTX.ph ( https://www.ktx.ph/); Cinema ’76 @ Home(https://cinema76fs.eventive.org/welcome); iWant TFC ( https://tfc.tv/), Upstream ( https://upstream.ph/) at sa Ticket2Me (https://ticket2me.net).

Sa direksyon ni JP Habac, bidang lalaki sa Dito at Doon si JC Santos at nasa cast din sina Victor Anastacio at Yesh Burce.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …