Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces ipinagtanggol si Direk Darryl — ‘Di siya bastos!

MABUTI ang puso ni Darryl!” Ito ang iginiit ni Rosanna Roces sa sunod-sunod na pagtuligsa sa isa sa paborito niyang director, si Darryl Yap.

Pumapatol si Direk Darryl sa mga basher kaya naman tinawag na bastos at mayabang ang director. Pero para kay Osang, maling-mali ang paratang na ito sa director ng bago nilang series handog ng VivaMax Original, ang Kung Pwede Lang na pinagbibidahan ni Osang kasama sina Dennis Padilla, Dexter Doria, Loren Marinas, Bob Jbeili, at Carlyn Ocampo.

Pagtatanggol ni Osang kay Direk Darryl, ”Mabait na anak si Direk DarrylHindi s’ya ganoon kabastos. Kagaya lang din natin.

Hindi kataka-takang naging close na si Osang kay Darryl dahil ilang beses na silang nagkatrabaho. Ilan dito ay sa  Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, at itong  Kung Pwede Lang The Rantserye na mapapanood na simula Abril 9.

Iginiit pa ni Osang na, “Naku, mas bastos pa nga tayo sa showbiz, eh. Mas malala pa nga tayo magkuwentuhan. Pero ang isang hinangaan ko riyan ay noong nagkapera s’ya talagang ipinagawa n’ya ‘yong bahay nila.

Tinatanong ko rin ang magulang n’ya kung ano rin ang ugali ng ana nila. Bata pa ‘yan, sa school talagang hindi na s’ya mahilig magsulat. Matalino talaga. Pumapasa kahit hindi nagsusulat. 

“So, sabi n’ya, ‘Anak, hindi ka para rito sa Olongapo. Bumaba ka ng Maynila. Roon mo hanapin ’yong future mo.’”

Puring-puri rin ni Osang ang pagiging tunay na kaibigan nito.

“Makikita mo  ‘pag punta n’ya sa Maynila kasama niyong mga pangarap n’ya, hindi n’ya iniwan ‘tong grupo n’ya sa Olongapo which is ’yong Sa Wakas Theater Group. (Ang Sa Wakas ay ang theater group na itinatag ni Darryl sa Olongapo na ang mga artista at production staff ay siya ring mga nasa harap at likod ngayon ng mga viral video sa Vincentiments Facebook page)

Pagpapatuloy pa ni Osang, “Ikinukuwnto ng nanay n’ya nagkakanda-utang-utang ‘yan para pakainin ‘yong grupo n’ya. Minsan pinupuntahan s’ya sa school para singilin kasi inutang ni direk lahat ’yong pagkain.

Hanggang ngayon, kung sino ang kasama n’ya ‘yon pa rin ang kasama n’ya at hindi mo makikita na iniiwan s’ya.”

Isa pa sa hinahangaan ni Osang kay Direk Darryl ay ang hindi pag-iwan sa mga magulang nito. “Hindi niya kinalilimutan ‘yong magulang niya. Maayos na maayos sa kanya kung ano ang priorities n’ya sa buhay.

Ang Kung Pwede Lang ay available online sa web.vivamax.net o i-download ang app sa Google Play Store. Mapapanood na ito simula April 9 sa streaming app ng Viva na Vivamax.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …