Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay handang makipaghalikan kay Sean

EXCITED na si Teejay Marquez sa gagawing pelikula sa Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, ang pelikulang Ang Huling Baklang Berhen sa Balat ng Lupa na ididirehe ni Joel Lamangan.

Second choice lang si Teejay pero hindi iyon problema sa actor dahil ang mahalaga sa kanya napunta ang project.

Si Christian Bables ang original choice para sa karakter na gagampanan na ni Teejay kaya lang hindi natuloy ang actor dahil sa rami ng projects na ginagawa.

Ani Teejay, ”Sobrang thankful ako kay direk Joel kasi ako ‘yung napili niyang ipalit kay Christian na alam naman natin kung gaano kahusay na actor.

“And nagpapasalamat din ako sa ‘Ben X Jim’ sa Regal Films dahil kung hindi rin dahil sa kanila hindi ako mapapansin ni direk Joel.”

Nabasa na ni Teejay ang script ng Ang Huling Baklang Birhen sa Balat ng Lupa at nagandahan siya rito kaya excited na siyang mag-shoot.

Sinabi ni Teejay na may naglalagablab silang kissing scene ni Sean De Guzman sa pelikula.

Kung matutuloy, sa March 24 na magsisimula ang shooting ng Ang Huling Baklang Birhen sa Lupa sa Lian, Batangas. Makakasama rin ni Teejay sina Edgar Allan Guzman at Ms. Carmi Martin.

MATABIL
ni John Fontanilla 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …