Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat sa Happy Time — Walang nakarating na pinababalik ako

ANG daming nagpapadala ng mensahe kay Kitkat Favia para hingan siya ng reaksiyon sa naulat na puwede silang bumalik ni Janno Gibbs sa Happy Time sa kondisyong magbati sila ng TV host/actor.

Walang sinasagot si Kitkat dahil nagpa-panic attack siya dahil sa nangyari sa sasakyan nilang mag-asawa na binasag at nakuha ang mahahalagang gamit at malaking halaga. Limang minuto lang silang nag-park sa tapat ng banko at pagbalik ay basag na ang salamin ng sasakyan.

Bukod dito, may trauma pa siya sa nangyari sa kanila ni Janno kaya sa kasalukuyan ay nagpapa-therapy ang TV host/comedienne dahil sa trauma.

Nagpadala kami ng mensahe sa komedyana tungkol sa sinasabing bumalik siya sa Happy Time.

“Tita Reggee, wala pong nakarating sa akin na pina­babalik ako sa ‘Happy Time.’ At saka wala naman po akong manager, booking agent po si Mama Betchay kaso ‘pag tatawag siya sinusum­pong ako ng panic attack kaya hindi ko siya nakakausap ng maayos.

“’Yung sinasabing makiki­pagbati sa akin si Janno, pinag-ayos na po kami noong nagharap kami sa management. So, alam ko okay na ‘yun.

“Tapos nag-post nga po ako na nagpatawad na ako tungkol sa mga nangyari, pero sumagot po si Janno, nag-post din siya at galit na galit,” pahayag ni Kitkat sa amin.

‘Yung ini-repost ni Janno na post ni Kitkat nllng madaling araw na umuwi siyang galit ay naayos na iyon nllng araw na nagpatawad siya at inayos din ito ng NET 25 management.

”Ipinost ko po iyon noong gabing minura niya ako, siyempre galit ako kaya naglabas ako ng sama ng loob ko, pero binura ko rin naman dahil sinabihan ako ng management. Tapos pinag-ayos na nga kami.

“Roon po sa sinabi kong nagpatawad na ako, tapos na ‘yun, iyon na ang huli kong mensahe para sa isyu, hindi na ako magsasalita pa.

“Tungkol naman sa puwedeng bumalik, sa totoo lang po wala namang nakarating sa akin ang alam ko, tinext ako at sinabing tanggal na ako sa ‘Happy Time.’  Pati nga po sa ‘Kesayasaya’ wala na rin ako, eh, ano ba kinalaman niyong show na ‘yun sa ‘Happy Time’?” kuwento sa amin.

Samantala, pagkatapos ng therapy ni Kitkat ay pumupunta ito sa restaurant nila para tulungan ang asawa sa pagma-manage nito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …