Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Sarah, mapapanood sa iWantTFC

ISANG pelikulang pagbibidahan ni Ina Raymundo, ang film concert ni Sarah Geronimo, at bagong Pinoy movies ang ilan lamang sa mga bagong mapapanood sa iWantTFC  streaming service ngayong Marso.

Sugatan ang puso ni Ina bilang isang misis na binigo ng kanyang asawa sa Ampalaya Chronicles: Me and Mrs. Cruz at makakasama niya si Paulo Angeles. Ito ang ikatlong episode sa original anthology series kasunod ng Adik at Labyu Hehe na mapapanood sa Marso 24.

Sa Marso 27 na rin ang pinakahihintay na Tala: The Film Concert ni Sarah Geronimo na mapapanood sa buong mundo. Available pa rin ang tickets nito na mabibili sa iWantTFC website at Android app sa halagang P1,500 o USD29.99.

Makabibili na rin ng early bird tickets (P300) sa iWantTFC ng upcoming movie nina Janine Gutierrez at JC Santos na Dito at Doon na ipalalabas sa Pilipinas sa Marso 31. Tungkol ito sa dalawang magkaibigang magiging komplikado ang relasyon habang lockdown at mahuhulog sa isa’t isa dahil sa dalas ng kumustahan nila sa video calls.

Mapapanood na rin worldwide ang inaabangang  Coco Martin-Angelica  Panganiban movie na Love or Money sa Marso 12. Pwede pang kumuha ng early bird tickets sa halagang P200 or USD3.99 hanggang Marso 11, at magiging P250 o USD4.99 na rin ang regular tickets simula Marso 12.

Kasalukuyan ding napapanood sa iWantTFC ang boys’ love film na Hello Stranger at Ayuda Babes.

Para naman sa mga naghahanap ng mapapanood na pelikula o seryeng babagay sa nararamdaman nila, matatagpuan sa iWantTFC ang pinakamalaking koleksiyon ng iba’t ibang kuwentong Pinoy tungkol sa pag-ibig, pamilya, horror, action at adventure, at mga dokumetaryo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …