Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeturian nasorpresa sa ‘bagong’ Cristine Matured, considerate & professional

KASABAY ng mabait na karakter na ginagampanan ni Cristine Reyes sa bagong handog ng  Sari Sari Channel, Viva Entertainment, at TV5, ang Encounter kasama si Diego Loyzaga ang pagbabago rin ng ugali ng aktres.

Mabait na raw ito ayon  sa kanilang director na si Jeffrey Jeturian. Kaya naman natanong si Cristine kung ang pagbabago pa ng ugali ay dahil sa nangyaring pandemic.

Ani Cristine sa virtual media conference kahapon, ”More on being good as a person. Being true.

“You have to learn to be always better and don’t be stuck to where you  were na if it is not good why you stay there. So it’s always a progress. I’m not saying na I’m always like this, but it’s a progress na I’m working on (pagiging pasensyosang tao).

Puring-puri rin ni Direk Jeffrey ang pagbabagong ugali ni Cristine. Kuwento ng magaling na director.

“Si Cristine I’ve work with her before and na-experience ko ‘yung hype na maldita pa siya kaya na-surprise ako rito na ibang-iba ‘yung Cristine na nakatrabaho ko.

“In fact noong nalaman ko na si Cristine ang makakatrabaho ko medyo nagkaroon ako ng duda. Nasabi ko na mamroroblema yata ako. Pero that’s not what happened. Na surprise nga ako na Cristine is more matured now, more considerate of her co-workers and professional,” pagbabahagi ng director na sinabi ring nakitaan niya ng chemistry sina Cristine at Diego.

“Nag-work naman (chemistry) kasi kanina kaka-preview lang namin ng trailer and few scenes ng episodes, kinilig naman kami. Trailer pa lang kinilig na, what more kung buong episodes pa?” proud na turing ng director.

First time naman nakatrabaho ni Direk Jeffrey si Diego at, ”Si diego first time ko maka-work, ‘yung freshness and youthfulness niya ‘yun ‘yung na-capitalize namin plus ‘yung acting niya. So wala naman akong naging problema both of them at okey na okey ang chemistry nilang dalawa.”

Ang Encounter ay isang hit Korean  drama series na ang adaptation to Philippine television ay mapapanood na sa March 20.

Si Cristine si Selene, isang CEO sa f Hotel d’ Trevi Hotel at anak ng isang kilalang politician na napilitang magpakasal sa isang business tycoon pero nakipaghiwalay din. Si Diego naman si Gino,  batambata at free-spirited random stranger na nang maka-encounter si Selena ay na-inlove.

Hindi naging madali ang pagkakaroon nila ng relasyon lalo’t prominente ang naging asawa ni Cristine at sumasailalim sa isang divorce.

Bagamat nalagay sa alanganin ang relasyon nina Selene at Gino naging balance naman ito sa magandang tanawin sa Ilocos at Subic  na tiyak mabibighani ang mga manonood.

Bukod kina Cristine at Diego, kasama rin dito sina Kean Cipriano, Robert Seña, Maricel Morales, Yayo Aguila, Louise delos Reyes, Gardo Versoza, Isay Alvarez, at iba pa.

Mapapanood ang Encounter tuwing Sabado simula March 20, 8:00 p.m. sa TV5.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …