Thursday , December 26 2024

Sumunod sa protocols para ‘di bumalik sa ECQ

NAKABABAHALA ang pag-arangkadang muli ng CoVid-19 sa bansa, lalo sa Metro Manila. Umaabot na sa 3,000 kada araw ang virus infected. Para bang bumalik sa umpisa – Marso 2000 noong unang implementasyon ng lockdown sa buong bansa. Sumisikip na rin ang maraming pagamutan sa Metro Manila dahil sa paglobo ng mga pasyenteng impektado ng nakamamatay na ‘veerus.’

Para bang nag-uumpisa uli ang lahat sa simula nang makapasok ang virus sa bansa. Kaliwa’t kanan ang pagsugod ng infected sa mga pagamutan…sumisikip na naman ang mga pagamutan.

Mag-iisang taon na nang ‘ikandado’ ang bansa at hanggang ngayon narito pa rin ang banta ng virus. Bagamat, ang may improvement sa ngayon – may bakuna nang ipanlalaban sa CoVid-19 ngunit hindi pa siyento por siyento na nakagagamot o nakapagbibigay proteksiyon sa mga nabakunahan na. Kaya ang lahat, maging ang mga nabakunahan na ay pinag-iingat pa rin.

Ang lahat naman ay kumikilos laban sa CoVid-19, hindi lang ang national government kung hindi maging ang lokal na pamahalaan at bawat indibidwal.

Nariyan pa rin ang pagbibigay babala sa taongbayan sa pagsunod ng health protocols – pagsuot  ng facemask, face shield, maging ang paghuhugas ng kamay ng sabon at paggamit ng alcohol.

Sa pagsunod naman ng protocols, bumaba ang bilang ng victims na ikinagalak ng health workers natin dahil kahit na paano ay nakapagpapahingasila nang bahagya. Hindi tulad noong unang atake ng CoVid-19 na kawawang-kawawa ang ating medical frontliners.

Pero ngayon, nakalulungkot ang bigla na namang pagtaas ng infected, 3,000 katao kada araw at nakikitang aabot ng 5,000 ito kada araw sa huling linggo ng Marso 2021.

Sino ba ang dapat sisihin sa paglobo ng mga infected – ang ginawang pagluluwag ng pamahalaan nga ba? Simula nang niluwagan ay… heto na po, kaliwa’t kanan positive na naman ang infected.

Niluwagan ang quarantine para makabangon daw ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Niluwagan para makapagbukas ang maraming establisimiyento, para marami nang makapagtrabho at kumita dahil hindi na kaya ng pamahalaan na buhayin ang mamamayan.

Kahit na paano ay masasabing may kontribusyon ang pagluluwag, sa paglobo ng infected dahil ang lahat o marami nang nakalalabas. Pero ang kaluwagan nga ba ang dahilan ng paglobo uli ng mga infected?

Hindi naman nagkulang ang pamahalaan sa pagpapaalala sa protocols. Iyon nga lang, ang lahat ba ay sumusunod? Hindi! Sa halip, naging kampante na ang nakararami. Wala nang social distancing, maling pagsusuot ng facemask at face shield. Nakalimutan na rin ang paghuhugas ng kamay ng alcohol o sabon…at kapag may gathering lalo na kapag may inuman at kanan, kinalimutan na ang banta ng CoVid-19.

Alalahanin sana natin na nandiyan pa rin ang virus, pero ano ang nangyayari – kinatatamaran o ang titigas ng ulo ng marami. Kesyo nakaiistorbo raw ang pagsunod ng protocols.

Dahil sa katigasan ng ulo, nadamay tuloy ang lahat –  nahawaan ang mga nag-iingat. At sa bandang huli, ang pamahalaan na ang sinisisi.

Walang sisihan sa pagtaas uli ng CoVid-19 patient at sa halip, para malabanan ang CoVid-19, sumunod tayo sa protocols hanggang sa… ang lahat ay protektado na ng bakuna. Katunayan, maging ang mga nabakunahan nga ay hindi pa rin nakaseseguro laban sa CoVid-19, tayo pa kaya na hindi pa nababakunahan.

Kaya ang lahat ay dapat umilos – sumunod sa health protocols kahit niluwagan na ang quarantine. Kung nagawa natin noon na kalabanin ang CoVid-19 sa unang pagsalta nito sa bansa, walang dahilan para hindi natin magawa ito ngayon o patuloy na gawin.

Sa ngayon, walang ibang makatutulong sa pagbaba ng bilang ng infected kung hindi tayo rin. Oo, nariyan ang Panginoong Diyos pero, gawin natin ang ating bahagi. Mahirap yata kung bumalik sa simula – ang  nhanced community quarantine (ECQ).

Gusto n’yo bang ECQ uli tayo?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *