Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chloe Carreon, may ibubuga bilang child actress

MAGAGALING ang karamihan ng mga batang napanood namin sa recital ni Julius Bergado na ginanap sa CityDanse Academy, recently.

Isa sa nakaagaw ng aming pansin ay si Ma. Stephanie Chloe Carreon. Bukod sa cute at magandang bata si Chloe, napabilib niya kami nang nagpakita ng talent sa pag-arte. Para siyang si Angelica Panganiban nang child star pa lamang ang Kapamilya actress.

Gusto raw niyang screen name ay Chloe Carreon, siya ay eight years old at nag-aaral sa Don Mariano Marcos Memorial State University Elementary Laboratory School South La Union Campus (DMMMSU ELS-SLUC).

Ayon kay Chloe, hilig daw niya talaga ang umarte, noon pa. Aniya, “Since four years old pa lang po ako I want to be a celebrity na po. I love to sing na po noon and ‘yung Let It Go po ng Frozen ang first po na song na kinakanta ko po.

“Nag-start po ako maki-join sa pag-model sa school po, First Runner up po ako noon nang nag-Darna costume po ako and lagi na rin po ako nakiki-join sa mga Costume Party Contest po. I’m so lucky po kasi lagi rin po akong nananalo.”

Pang-ilang acting workshop na niya ito? “Pangatlo ko lang po pero rati na rin po ako nag-acting workshop, before kay Direk Julius. Natapos ko po ang Intense Acting Workshop kay Coach Chase Vega po ng CC Entertainment and kinuha po ako sa isang show na ipo-produce po sana niya, pero ‘di po natuloy dahil sa pandemic po,” aniya.

Nag-enjoy ba siya sa acting workshop? ”Yes po, nag-enjoy po ako, natutunan ko po ‘yung pagkakaiba ng mga acting from level 1 up to level 5 po.”

Nabanggit din ni Chloe ang mga favorite stars niya. ”Marami rin po kasi akong favorites, like sina Ate Bianca Umali and Ate Kyline Alcantara po… kasi favorite ko po panoorin noon ‘yung Kambal Karibal. Pati po sina Ate Andrea Brilliantes and Ate Francine Diaz, favorite ko rin po noon ‘yung Kadenang Ginto. Sina Xia Vigor po and Kuya Miguel Tanfelix nakasama ko na po sa Little Ms. Magic 2019 po and sobrang bait po nila. Lahat po silang favorites ko magagaling po.”

Si Chloe ang only child nina Mr. and Mrs. Edmar Culaton Carreon and Jobelle Is-isa Carreon at naniniwala kaming kung mabibigyan ng chance sa mundo ng showbiz ay malayo ang mararating ng batang ito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …