Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Gabby Concepcion

Sanya to Gabby — napaka-generous

KAHIT tapos na ang second leg ng lock-in taping ng upcoming Kapuso romantic-comedy series na First Yaya, nananatiling solid ang nabuong samahan ng buong cast ayon sa lead stars ng serye na sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. 

Ayon kay Gabbby, isa  ang leading lady niya na si Sanya sa mga nakatrabaho niyang madaling pakisamahan kaya naman hindi naging mahirap ang adjustment niya para sa role. ”Mapagmahal sa kapwa at saka madali siyang pakisamahan, madali siyang barkadahin. At saka marami ring dalang pagkain ‘yan. 

“Madalas ‘yung kasama ko sina Pancho, sina Kiel. Walang tao roong hindi ko kasundo. Walang negative sa set namin. Lahat okay,” dagdag pa ng aktor.

Isa naman sa mga tinitingalang artista ni Sanya ang kanyang leading man sa serye na si Gabby. ”Sobrang generous niya. As in lahat. Kung saan kami masaya tatanungin kami, ‘Anong gusto ninyo?’, tapos nagluluto ‘yan para sa amin. At masarap siyang magluto. Mahilig siyang mag-imbento ng lulutuin.” 

Kasama rin sa serye sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Thia Tho­malla, Pancho Magno, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Rechie Del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente Kiel Rodriguez, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma, at Thou Reyes.

Abangan ang nakaaaliw at nakakikilig na kuwento nina Yaya Melody (Sanya) at President Glenn (Gabby) sa First Yaya sa March 15 sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …