Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Lost Recipe FB 100K na

HINDI lang on-air, pang online pa! Ito ang puwersang “sakalam” ng top-rating GTV series na The Lost Recipe (TLR).

Bukod kasi sa patuloy na pagsubaybay ng viewers sa kuwento nina Harvey at Apple, damang-dama rin ang suporta ng netizens sa serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Kamakailan, umabot na sa 100,000 followers ang official Facebook page nito at patuloy pang nadaragdagan sa huli naming silip.

Laking pasasalamat naman ng mga bumubuo ng programa sa netizens na patuloy na sumusuporta sa TLR hindi lamang sa pamamagitan ng pagtutok gabi-gabi sa serye kundi pati na rin sa pagtangkilik ng kanilang social media platform.

Sa Facebook page ng The Lost Recipe ay makakakuha ang fans ng iba’t ibang exclusive content tungkol kina Kelvin, Mikee, at iba pang cast ng programa. Makikita rin dito ang memes, exclusive kilig moments, pati na rin ang funny photos at TikTok videos ng tambalang #MiKel.

Kaya sa mga hindi pa naka-subscribe, i-like at follow na ang Facebook page ng The Lost Recipe (@TheLostRecipeGTV) para makakuha ng updates.  

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …