Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong pinarangalan sa FAN 2021 at GEMS

MAGKASUNOD ang parangal na natanggap ni Dingdong Dantes. Ito ay ang mula sa 5th Film Ambassadors Night (FAN 2021) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards.

Sa kanilang virtual awarding na ginanap noong February 28, kinilala si Dingdong ng FDCP bilang isa sa recipients ng Cinemadvocate award para sa ipinamalas na malasakit sa mga displaced TV at film worker pati na rin sa stuntmen nitong pandemya.

Aniya, ”Sobrang nakatataba ng puso na makatanggap ng ganitong recognition. Na-consider ko po itong trabahong ito and of course, His blessings, as an opportunity to reach out to others, and help in transforming their lives.”

Kabilang din si Dingdong sa listahan ng FAN 2021 Actors Awardees para sa internationally-acclaimed drama na Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation na nag-uwi siya ng Asian Star Prize mula Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Samantala, tagumpay din ang aktor na maiuwi ang Best Performance by an Actor (TV series) para pa rin sa DOTSPh sa ginanap na 5th GEMS Virtual Awarding Program nitong March 1.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …