Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie tututukan muna ang mga anak

Picture ni Aljur Abrenica at anak nila ang ipinost ni Kylie Padilla matapos kumalat ang tsikang hiwalay na sila ng actor. Kahapon isang maliit na puting bulaklak naman ang ibinahagi niya malayo sa mga naunang cryptic posts niya.

Hindi rin nagbigay ng pahayag sina Aljur at Kylie para linawin kung totoo nga ang balitang on the rocks na ang kanilang marriage.

Sa report ng 24 Oras, sinabing nanghihingi ng panahon si Kylie na makapagpahinga muna. Nais din nitong pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa mga anak nila ni Aljur.

Sinabi pa ng 24 Oras mula sa kanilang source na nagtungo ang mag-iina sa bahay ng kanyang amang si Robin Padilla at pagkaraan ay sa bahay naman ng kapatid ng kanyang ina sa Pampanga.

Wala ring balak bumalik sa showbiz si Kylie bagamat uunahin ang mga natanguang commitments. Katwiran ni Kylie, kailangan niyang alagaan ang dalawang anak.

Hiniling din umano ng anak ni Robin na gusto munang pagtuunan ng pansin ang sarili.

Hangad naming magkasundo na ang mag-asawa para sa kanilang mga anak. Bukas ang aming pitak sa paliwanag ng mag-asawa ukol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …