“ACTUALLY hindi ako naniniwala sa New Year’s resolution pero nagiging guide ko siya everytime may gusto akong i-achieve,” ang umpisang sagot sa amin ni Aiko Melendez tungkol sa tanong kung naniniwala ba siya sa New Year’s resolution at kung ano ang New Year’s resolution niya.
“So for this year mas magiging grateful ako with what I have.”
Ano naman ang biggest lesson na natutuhan niya sa buhay niya nitong nakalipas na taon?
“Iyan din ang naging greatest lesson ng lahat for 2020, to be grateful with what you have kasi it doesn’t matter how much money you have kung may sakit ka.
“And it also taught us the lesson when most of us was just stuck home doing nothing but we were just in the company of our family.”
Ano ang mga maituturing niyang blessings na dumating sa kanya sa taong 2020?
“Ang pinaka-blessing ko sa 2020 was kahit may pandemic God provide and I was also able to share what I have to the less fortunate,” pahayag pa ni Aiko na nakausap namin via Facebook messaging noong January 4, Lunes.
May upcoming shows na ba siya sa GMA?
“No shows yet after ‘Prima Donnas’ but GMA assured me there is one after [Prima Donas].”
Speaking of Prima Donnas, nanalo si Aiko bilang Favorite Kontrabida sa LionhearTV RAWR Awards 2020 noong December 5 ng gabi via a virtual awarding ceremony.
Dahil sa husay ni Aiko bilang Maria Kendra Fajardo-Claveria sa Prima Donnas ng GMA at tinalo niya sa naturang kategorya sina Kyle Velino (Gameboys The Series); Yam Concepcion (Love Thy Woman); John Arcilla (FPJ’s Ang Probinsyano); Dimples Romana (Kadenang Ginto); Jodi Sta. Maria (Ang Iyo Ay Akin); Martin del Rosario (The Gift), at Sheryl Cruz (Magkaagaw).
Ano ang expectations ni Aiko sa taong 2021 career-wise?
“Gusto ko for 2021 mag-reinvent ng sarili at roles na gagawin ko, so expect the unexpected sa akin sa 2021.”
Isang taon na lamang at eleksiyon na muli, ano ang plano ni Aiko?
“Elections, I’m not closing any doors to any possibilities and I’m making a change this year,” ang pamisteryosang saad pa ni Aiko.
Nakompleto at natapos ni Aiko ang kanyang tatlong termino bilang konsehala sa 2nd District ng Quezon City noong 2001 hanggang 2010.
May wedding plans na ba sila ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun?
“Wedding plans? I am not in the position to say anything about that kasi ang pangit kung sa akin manggagaling. Ha! Ha! Ha!”
Tatlong taon na ngayong magkasintahan sina Aiko At VG Jay.
Rated R
ni Rommel Gonzales