Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike Tan, hands-on sa pagpapalaki sa mga anak

SA isa sa mga interbyu namin kay Mike Tan, tinanong namin siya kung ano na ang pinakagrabeng nagawa niya nang dahil sa pag-ibig.

“Hindi pinakagrabe kundi pinakamagandang nagawa ko. Mag-antay at pakasalan ang asawa ko bago kami nagkaanak.”

Kumusta maging tatay, ano ang pakiramdam?

“Alam mo, everytime na tinatanong ako niyan noon hanggang ngayon nahihirapan akong sumagot. 

“Kasi sobrang daming emosyon ang nararamdaman ko noon bilang tatay na isa pa lang ang anak ko hanggang ngayon na dalawa na ang anak namin ng asawa ko. 

“Masaya ako na naaalagaan ko ang mag-nanay ko. At hands-on ako sa pagpapalaki sa mga anak ko. 

“Alam mo ‘yung galing ka ng trabaho tapos gusto mo pa siyang kunin at kargahin pero tulog na siya at bawal na siyang gambalain at baka magising. Tapos galing pa ako ng taping so, hindi ko pa siya puwedeng hawakan.”

Noon ‘yun, noong wala pang pandemya, ngayon na mayroon tayong pinagdadaanang corona virus pandemic, todo-ingat si Mike, tulad ng karamihan, nagku-quarantine muna siya at nagpapa-swab test bago umuwi sa kanyang pamilya kapag galing sa taping.

Paano binago ng fatherhood ang pagkatao ni Mike?

“Priorities mo talaga at goal sa buhay, mag-iiba. Pero bago pa man din kasi ako nag-asawa at nagkaanak binago ko na rin naman talaga ‘yung lifestyle ko para handa na ako bago pa ako maging ama.”

Samantala, abangan ang panibagong episode ng Magpakailanman na  Krimen Ng Isang Ina tampok sina Mike at Rochelle Pangilinan. 

Abangan ang pagsasama ng Sexbomb girl at StarStruck Ultimate Male Survivor ngayong Sabado, 8:15 p.m..

May hashtag ito na #MPKKrimenNgIsangIna, ang Magpakailanman sa GMA ay hosted by Ms. Mel Tiangco.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …