Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Khabib inalok ng $100-M para harapin si Floyd

INALOK  ng $100-M si Khabib Nurmagomedov para harapin  si Floyd Mayweather, Jr.,  ka-agapay si  Dana White sa promosyon, pagsisi­walat ng manager ni Khabib.

Si Ali Abdelaziz, manager at tumatayong representante ni Khabib sa kabuuan ng kanyang UFC career ay binuk­san ang isang proposal na huma-hamon sa nagretirong kampeon para labanan si Mayweather.

Sinabi  ni Abdelaziz sa TMZ Sports:   “Listen, we got offered $100million to fight Floyd Mayweather.

“Dana White was on board, everybody was on board. But, you know, Khabib is an MMA fighter.

“If Floyd wanted to come to fight, get his little ass whooped, no problem.”

Si Mayweather,  43,  ay retirado na sa ring bilang professional noong 2017 pagkaraang talunin niya ang dating UFC champion na si Conor McGregor.

Isang taon ang lumipas nang gibain ni Nurmagomedov si Mc Gregor at may pag­ka-kataon na gusto niyang kagatin ang hamon ng boxing legend pero pina­halagahan niya ang pangako sa ina na mag­reretiro na sa laban.

Nagbalik sa panahong iyon si Mayweather para sa isang exhibition bout kontra kay featherweight kickboxer Tenshin Nasu­kawa sa Tokyo na siya ay nanalo sa loob ng isang round.

Pagkatapos ng pakiki­pagbakbakan  ni Floyd ay nagpahayag na hindi na muling sasalang sa ring kontra sa mga contenders sa boxing at nananatiling bukas ang kanyang pinto sa posi­bleng laban kontra kina McGregor sa isang rematch at Nurmagome­dov.

Ibinulgar  ni Khabib noong Oktubre, bago niya ianunsiyo ang kanyang UFC retirement na patuloy pa rin ang panliligaw ng kampo ni Mayweather para sa isang megafight.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …