Wednesday , November 20 2024

P13.5-B budget para sa libreng bakuna vs CoVid-19 segurado sa bawat residente (Taguig kasado na)

INILATAG na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang 2021 recovery budget na nagkakahalaga ng P13.5 bilyon kasama rito ang bakuna kontra CoVid-19 na P1 bilyon.

Ipinaalalahanan din ang mamamayan na ang bakuna ay isa lamang parte ng programa upang sug­puin ang CoVid-19.

Sa ilalim ng P1-bilyon programang baku­na, sinisiguro na ang bawat mamama­yan ng Taguig ay mag­ka­karoon ng libreng bakuna.

“Simula pa lamang noong Setyembre, nag­simula na ang planning para sa pagbabakuna. Ito ay kasapi ng progra­ma laban sa CoVid-19 na kinabibilangan ng mass testing at pagpapagaling sa mga may sakit,” ayon kay Mayor Lino Cayetano.

Dagdag ng alkalde, nais masiguro ng Taguig na ang libreng testing ay magpapatuloy sa 2021 sa 30 health centers at dalawang drive-thru location kaya naman tuloy ang pag-invest ng siyudad sa healthcare and treatment.

Ang sariling molecular laboratory and disease surveillance units ng Taguig ay magpapa­tuloy rin ng operasyon dahil kasama rin sa pondo ng 2021 ang kanilang pagsasagawa ng disease surveillance na importante upang masawata ang pagkalat ng CoVid sa kabila ng paglabas ng mga bakuna.

“Kami po ay nakikipag-ugnayan sa Joint Task Force at sa Department of Health para sa allotment ng vaccine para sa Taguig pero mayroon na rin pag-uusap sa mga supplier para sa sariling supply ng Taguig. Handa na rin ang Taguig na ilunsad ang model vaccine stations at ang citizens ID ngayong January. Pareho itong importante para sa kabuuan ng CoVid vaccine rollout plan,” dagdag ng Taguig mayor.

Siniguro ni Mayor Lino na maagang naka­pag­handa ang siyudad para sa CoVid contingencies at pina­alalahanan ang bawat isa na ang vaccination ay importante ngunit isa lamang ito sa component ng laban kontra COVID.

“Kailangan natin maging mapagmatyag at responsable upang matapos na ang CoVid at ang pagkalat nito,” wika ni Mayor Lino.

Ang Taguig ang may pinakamababang kaso ng CoVid sa Metro Manila sa pagtatapos ng 2020 at inaasahan na tuloy ang pag-arang­kada para sa new normal.

“Kailangan lang ng balance sa pagbubukas ng ekonomiya at ang pagbabalik ng tao sa kanilang trabaho at mga bata sa eskuwela dahil ito ang kasama sa plano ng Taguig sa taong 2021,” saad ni Mayor Lino.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *