WINNER bilang vlogger ang kilalang businessman, dating Mr. Gay World titlist at Quarantine online philantropist na si Wilbert Tolentino.
Humahataw ngayon ang kanyang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Wala pang dalawang buwan pero umabot na ito ng 283k subscribers habang isinusulat ito. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa entertainment streaming app.
Enjoy at nakawawala ng stress ang pagiging abala ni Sir Wil sa kanyang YouTube channel.
“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” bungad niya.
“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” saad ni Sir Wil.
Kumusta ang experience niya bilang vlogger?
“Hindi nagkakalayo ito bilang isang co-owner ng tatlo kong entertainment bar ( Apollo, Club 690, Farenheit). Dapat maglabas ng kakaibang content. Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao,” pakli niya.
“Ang adbokasiya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook. Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya.”
May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.
“Magkakaroon ako ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media, at vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” lahad pa niya.
Gumawa rin siya ng music video na Kafreshness ng Pasko na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya.
Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya sa Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson de la Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian).
Ganoon din sa #DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, at Zeinab Harake).
May collab din siya kay Sachzna Laparan. Pati sa Kapuso actress na si Sanya Lopez.
May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).
At dahil generous talaga si Sir Wil mamahagi siya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.
“Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues. Bangon tayo mga Pilipino. ‘Wag nating hayaan na lamunin tayo ng lungkot!! Spread positive vibes at dapat tayo laging fresh.
“ See you on December 24, 2020, 7pm para lang sa exclusive kafreshness subscriber for Noche Bola Raffle Bonanza,” sambit pa niya.
MA at PA
ni Rommel Placente