DALAWANG uri mayroong ng himala sa mundo ng showbiz. Isang tinatawag na suwerte at mayroon ding malas.
Sa sitwasyon ni Nora Aunor, nagkaroon ng mala-himalang suwerte noong aluking gumanap sa pelikulang Kontrabida na ipo-prodyus ng Godfather Productions ni Joed Serrano na isang batang That’s Entertainment.
May bagong discovery si Joed, si Charles Nathan at kinuha si Nora bilang star ng pelikula. Pangarap kasi ni Joed na maging artista niya sa production si Guy at hindi siya nabigo nang pumayag ang magaling na aktres.
Hindi rin akalain ni Nora na bibigyan na siya agad ng down payment at hindi akalaing malaki ang ibibigay ni Joed.
Imagine nga naman sa panahon ng Covid nagkapera siya at makapagbibigay ng Pamasko sa mga nagdarahop na kasabayan noong panahon ng bagyo at baha dulot ng Ulysses. Kahit hirap sa pera at nakakulong sa taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa San Mateo, nagawa pang magpadala sa mga kababayan sa Bikol.
Sabi nga, when you give, darating at magbabalik sa iyo ang mga naitulong din sa kapwa.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales