Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayweather Jr target ni De La Hoya sa kanyang ‘comeback fight’

SA muling pagtuntong ni Oscar De La Hoya sa ring, nasa isip niya ang rematch nila ni Floyd Mayweather.   At kung iiwas ang undefeated boxer, puwedeng ikunsidera niya si Canelo Alvarez.

Si De La Hoya, 48, ay planong bumalik sa kompetisyon at gustong makaharap agad ang malalaking pangalan sa boksing.

Balik-tanaw nung Hunyo nang ianunsiyo ni Iron Mike Tyson ang pagbabalik sa ring sa isang exhibition match laban kay Roy Jones Jr.   Nagtapos ang bout sa tabla.    Sa parehong buwan ay nag-anunsiyo rin si De La Hoya na  gusto niyang bumalik sa ring.  Magbabalik siya sa kompetisyon hindi para sa isang exhibition fight, ibig niya ng totoong bakbakan.

Unang plano ni De La Hoya ay sumabak sa timbang na 147 at 154.   Pero nagbago ang ihip ng hangin nang magpasya siyang lumaban sa 154 o 160, sa timbang ng kinaroroonan ng dibisyon ni Canelo.

Nagbago ang takbo ng pangyayari nang hindi makuntento si Alvarez sa takbo ng career nang tipirin siya ng Golden Boy at De La Hoya sa dapat na bilang ng kanyang laban sa isang taon.   Kumalas si Canelo sa promosyon ni Oscar at lumipat sa ibang promotions.

Iyon ang posibleng nagpabago sa isip ni De La Hoya kung kaya biglang kambiyo ito ng planong timbang.  Ibig niyang makaharap ang boksingero tumalikod sa kanyang  promotion.

”I’ve always prided myself in fighting the very best, and why go after the second-best?”  pahayag ni Oscar kay  Fight Hub TV’s Marcos Villegas. “Why not go after the guy that beat him? Why not go after (Floyd) Mayweather, for instance, in a revenge fight? That’s something that’s very intriguing. We’ll see how I feel, and then we’ll take it from there.”

“I would definitely think about it,” sabi ni De La Hoya sa punto na haharapin niya si  Canelo, “but my eye is on a bigger prize.”

Si De La Hoya, 48, ay nagarahe nang matagal pagkaraan ng pagkatalo niya kay Manny Pacquiao nung 2008.   At ang pagkatalo niya kay Mayweather sa isang dikit na desisyon ay nananatiling palaisipan sa kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …