Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team sports magbebenipisyo rin sa Bayanihan 2

ANG national athletes sa team sports ay nakatakdang tumanggap ng nalalabing 50% ng kanilang June at July allowances at magpapatuloy na tatanggap ng kanilang full allowance hanggang sa Disyembre.  Kasama ang kabuuan ng Team Philippines ay tatanggap din ng ‘special amelioration package’  na bigay ng gobyerno.

Ang magbebenipisyo dito ay ang 199 atleta at 39 coaches na kasali sa teams of eight sports, katulad ng:   aquatics-water polo, baseball, dragonboat, handball, ice hockey, softball, underwater hockey at volleyball.

Nagpasalamat naman si  Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez sa congress, senate at kay President Rodrigo Duterte sa pagkakasali ng national team sa coverage ng Republic Act No. 11494.

“A community coming together really makes a whole lot of difference,” pahayag ni Ramirez, na tinukoy ang tulong ng Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham Tolentino para makuha ang pondo at  maibalik  ang 50% cut sa national team’s allowances.

Ang allowances ng team sports ay limitado sa ilang buwan bago at pagkatapos ng major international  competition katulad ng Asian Games o ang Southeast Asian Games dahil sa konsiderableng pondo na isinasama.

Dahil sa tagumpay ng Team Philippines bilang overall champion sa 30th SEA Games, ang PSC Board ay inaprubahan ang extension ng allowances hanggang July ngayong taon.   At ngayong tinamaan ng krisis ang lahat, ang sports agency ay inaprubahan para magpatuloy hanggang katapusan ng taon at kasama ang team sports sa budget mula sa Bayanihan Act 2.

Kinumpirma  ng PSC ang pagtanggap sa P180 million funding sa ilalim ng Bayanihan Act 2.   Ang kinakailangang administrasyon para magkaroon ng kaganapan ang remittance ay ginagawa na ngayon at inaasahan ang release nun sa unang linggo ng Disyembre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …