Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine Gutierrez, Pinakamahusay na Aktres sa 43rd Gawad Urian

INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga winner nila para sa iba’t ibang kategorya para sa kanilang 43rd Gawad Urian.

Noong Martes,November 10 nila ito ini- announce sa pamamagitan ng kanilang social media broadcast like Facebook page, at Youtube channel.Major winners sina Janine Guttierez at Elijah Canlas. Itinanghal na Best Actress ang una para sa pelikula niyang Babae at Baril, samantalang ang huli naman bilang Best Actor para sa Kalel,15.

Ito ang first time na nanalo ang dalawa ng acting award mula sa nasabing award-giving body.

Bongga si Janine dahil ang mga tinalo niya sa Best Actress category na nakalaban niya ay sina Alessandra de Rossi para sa LupidAngie Ferro para sa Lola IgnaAnita Linda para sa CircaBela Padilla para sa ManianitaJean Garcia para sa Watch Me KillNadine Lustre para sa UlanRuby Ruiz para sa IskaSue Prado para sa Alma-AtaMax Eigenmann para sa Verdict; at Kathryn Bernardo para sa Hello Love, Goodbye.

O ‘di ba, bongga ang mga artistang tinalo ni Janine? Puro mga award winning actress.

Pero in fairness, maraming nakapanood ng Babae at Baril ang nagsasabing magaling doon ang anak ni Lotlot de Leon. Kahit kami, ay napanood ang pelikulang ‘yun at masasabi naming deserving manalo si Janine.

To Janine, our congratulations!

Narito ang kompletong listahan ng mga nanalo sa 43rd Gawad Urian.

Best Picture – Babae at Baril

Best Actor – Elijah Canlas (Kalel, 15)

Best Actress – Janine Gutierrez (Babae at Baril)

Best Supporting Actor – Kristoffer King (Verdict)

Best Supporting Actress – Yayo Aguila (Metamorphosis)

Best Direction – Rae Red (Babae at Baril)

Best Screenplay – Jun Lana (Kalel, 15)

Best Cinematography – Tey Clamor (Babae at Baril)

Best Documentary – Miko Revereza (No Data Plan)

Best Short Film – Carla Pulido Ocampo (Tokwifi)

Best Production Design – Eero Yves Francisco (Babae at Baril)

Best Editing – Ilsa Malsi (Babae at Baril)

Best Music – Jude Gitamondoc, Cindy Velasquez, Cattski Espina (Huwebes, Huwebes)

Best Sound: Mikko Quizon, John Michael Perez, RJ Cantos (Mañanita)

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …