Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charo at Boy, patok agad sa Kumu

MATAGUMPAY ang naging pagpasok ng award-winning hosts na sina Charo Santos at Boy Abunda sa kalulunsad na Dear Charo at The Best Talk, mga programang umani ng pinakamaraming viewers sa FYE sa Pinoy livestreaming app na Kumu para sa buwan ng Oktubre.

Pinasalamatan ni Charo ang mga nanood ng premiere episode ng Dear Charo” noong Lunes (Oktubre 26) na nakatanggap ng 384K likes, na naging panauhin sina Kim Chiu at Bro. Eddie Villanueva.

Kasama niya rito ang co-host na si Robert Labayen, ang Creative Communications Management head ng ABS-CBN na nasa likod ng Kapamilya Christmas station IDs tulad ng Bro, Ikaw ang Star ng Pasko.

Samantala, patok din sa netizens ang bagong programa ni Boy na The Best Talk, na umani ng mahigit sa 540K likes sa unang episode nito noong Sabado (Oktubre 24) tampok ang kanyang mga bisita na sina Ai-Ai delas Alas at Kisses Delavin.

Inalay naman ng King of Talk ang kanyang Virtual Gift earnings mula sa programa sa kawanggawa. Nakatakda niyang i-donate ang nalikom na virtual gift earnings mula sa unang episode sa Bakwit, isang foundation na nagpapalaganap ng karapatan at kapakanan ng mga batang Pinoy.

Nakibahagi rin sa pagwelcome sa batikang host ang FYE livestreamers na sina Bianca Gonzalez, Ces Drilon, Macoy Dubs, at MJ Felipe.

Ang Dear Charo at The Best Talk ang dalawa sa pinakabagong shows sa FYE, na isa sa handog ng ABS-CBN sa Kumu. Mapapanood sa FYE ang iba’t ibang livestream araw-araw, tampok ang mga kuwentuhan, usaping fashion at beauty, song requests, games, at comedy shows mula sa ABS-CBN Books, ANCX, Cinema One, Jeepney TV, Metro, MYX, at Rise Artists Studio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …