MAGBUBUKAS ang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP) sa October 31 sa pamamagitan ng isang Short Film Showcase na may free access sa lahat ng subscribers sa 80 short films tampok ang 12 finalists sa CineMarya Women’s Short Film Festival Premiere, 63 titles mula sa 21 regional film festivals, at five Sine Kabataan shorts kasabay ang libreng Special Screening ng Anak Dalita ni National Artist for Theater and Film, Lamberto V. Avellana.
Kasabay nito ang pag-release ng full festival calendar ng PPP4 para sa lineup ng Main Feature Film Showcase mula November 20 hanggang December 13, 2020.
Kaya markahan na anginyong mga kalendaryo at i-tsek na ang mga dapat panoorin.
Idinagdag pa ng Film Development Center of the Philippines (FDCP) ang iba’t ibang nakalinyang events mayroon ang PPP4 para sa online edition ngayong taon. Nariyan ang free talkback sessions at panel sessions gayundin ang exclusive events para sa Premium Festival Pass holders, kasama ang Grand Virtual FanCon, Talkback Sessions with filmmakers and actors mula sa piling Premium Selection films, at marami pang iba.
Posibleng may mga madagdag pang kaya i-check lagi ang PPP4 Events Schedule rito.