Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan Young, inspirasyon ni Rabiya Mateo

SI Miss World 2013 Megan Young ang inspirasyon ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, kaya siya sumasali sa mga pageant at nangarap na maging beauty queen.

Malaki ang paghanga ng 23 years old na si Rabiya kay Megan kaya naman pinangarap niyang makasali sa Miss World Philippines pero naniniwala itong itinalaga siya ng Diyos para sumali sa Miss Universe Philippines 2020 at maiuwi ang korona.

Unang sinalihan nito ang Miss IloIlo na nakuha niya ang korona at naging pambato ng nasabing probinsiya sa Miss Universe Phillipines 2020 na kanyang napanalunan at masuwerteng nasungkit ang korona.

Ikinuwento ni Rabiya sa ginawang meet and greet ng Frontrow sa Manila Hotel ang kanyang humble beginning at hirap bago nakamit ang tagumpay.

Dumalo rin sa pagtitipong iyon ang mga kaibigan niyang sina Miss Ilocos Sur at Miss Gensan na nagbahagi ng ilang kuwento ukol kay Rabiya na ‘di naiwasang maluha sa mga ikinuwento ng mga ito.

Rito ay nasubukan din na hindi lang ganda ang mayroon si Rabiya kundi matalino rin sa mga katanungang ibinato ng mga Entertainment press.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …