Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo, naging bahagi ng Brooklyn New York Fashion Week

NAGING bahagi ng isang virtual fashion week ang mahusay na aktor/singer na si Lance Raymundo. Ito ang Fashion Week Brooklyn, NewYork – Manila.

Nang nakahuntahan namin siya recently, naikuwento ni Lance ang nasabing event na isinagawa nina Rick Davy ng Brooklyn, New York at ni Bench Bello ng Manila, Philippines.

Hindi nagdalawang isip si Lance na tanggapin ito sa kagustuhang makatutulong sa adbokasiya ng proyekto. Bukod pa sa kagustuhan niyang makibahagi sa pagpapalakas ng fashion at events industry na labis na naapektohan sa nangyayaring pandemic ngayon bunsod ng CoVid-19.
More or less daw ay 30 designers at retailers ang nakibahagi sa event na ito na nagmula pa sa iba’t ibang bansa.

Nabanggit ni Lance na masaya siyang maging parte ng malaking event na ito.

“Masaya akong maging part ng event na ito, I modelled for two designers, John Guarnes and B’wear Manila,” saad ni Lance.

Lately ay very visible na ulit si Lance sa mundo ng entertainment. Nalaman namin ito nang usisain namin siya kung ano pa ang ibang pinagkakaabalahan niya.

“Sa TV5 guesting, bale sa Kantrabaho Celeb edition and my talk show is Jumpstart: The Race to the New Normm, produced by Brandventures, Also… may HBSL Dance Contest sa Madhouse Online Radio,” sambit niya.

Napanood din si Lance sa TV5’s Lunch Out Loud at nabalitaan namin na bahagi siya ng DepEdTV. Ang naturang show ay napapanood sa IBC13 every day, at sa YouTube channel ng DepEdTV, and sa official FB ng IBC13.

Hiningan namin siya ng kaunting background sa bago niyang project.

Pahayag niya, “Ang title ng show kung saan ako featured artist ay Oral Communication for Senior High School.”

Ano ang time slot nito at may kasama ba siyang iba sa show?

“Ang time slot po is 5:00 pm and for this season, ako lang bale,” pakli pa niya.

Plus, kabilang din si Lance sa iSkin Aesthetic Lifestyle ambassador, kaya talagang ngayon ay humahataw na muli ang talented na Viva artist.

Congrats Lance, dahil alam kong isa ka sa mga showbiz peeps na talagang sobrang workaholic at seryoso lagi sa kanyang trabaho.

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …