Wednesday , December 25 2024

Pagkahilig sa halaman ng ina ni Nadine, napakinabangan

ANG simpleng pagkahilig sa halaman ni Mommy Myraquel Paguio Lustre, ina ni Nadine Lustre ay naging daan para gawing negosyo ng pamilya ng aktres.

Matagal nang mahilig sa paghahalaman si Mommy Myraquel at mas nabigyan lamang ng mahaba-habang oras at mas natutukan nang magkaroon ng Covid-19 at nang ma-quarantine.

Kaya naman mas dumami pa ang mga iba’t ibang klaseng halamang inaalagaan si Mommy Myraquel na kanyang ipino-post sa social media accounts niya na marami ang nagandahan at nagtatanong kung ipinabibili ang mga iyon.

At dito nagkaroon ng idea sina Mommy Myraquel at Nadine na gawing negosyo ang mga bulaklak at halaman. Binuksan nila ang online shop, ang Ms Betty Blooms na nagbebenta sila ng iba’t ibang halaman at bulaklak na si Nadine mismo ang nag-a-arrange.

Click na click as in blockbuster ang negosyo ng mag-ina.

Sa mga gustong mag-avail at makita ang iba’t ibang halaman ni Tita Myraquel at ang magagandang floral at plants arrangement ni Nadine, bisitahin ang IG account ng Betty Blooms.
***
MJ, mas lalong minahal at kinasabikan ang pamilya ngayong pandemic
MAY bagong negosyong binuksan ang mahuhusay na singer at composer na sina MM at MJ Magno, ito ang Sound Design na gumagawa ng mga company jingle at background music para sa mga ads.

Ani MJ nang kumustahin namin kamakailan kung ano ba ang pinagkakaabalahan nilang kambal ngayong may pandemya. “Okay naman po kami ni MM. Eto po may Sound Design business po kami ngayon. Tapos Youtube and FB lang din po.

Dagdag pa nito, “Gumagawa po kami ng mga company jingles, background music for ads.

“Bale five years na namin itong ginagawa pero ngayon lang po kami nag-fulltime. Lalo noong nag-lockdown wala kasing gig at kailangang gumawa ng paraan para may mapagkakitaan.”

Pero kahit may binuksan silang negosyo, hindi naman nila iiwan ang pagkanta dahil doon sila nakilala. May bago silang ini-release na kanta via online, ito ang Take It Away.

“Kumakanta pa rin po kami ni MM, ‘di naman po namin basta-basta iiwan ang pagkanta kasi ‘yun ‘yung gusto naming ginagawa bukod sa paggawa ng kanta.

“Katunayan may bago kaming kanta, ang ‘Take It Away’ na online release po siya and ‘yung iba pa naming songs.

“The song is all about people having anxiety and depression most especially this time of pandemic. It reminds us to ask the Lord for help.”

At ngayong pandemic, maraming natutuhan at na-realize si MJ at ito ay ang buhay na simple at mahalin ang mga tao sa paligid.

“Marami po tito! Na ang buhay ay simple lang pala talaga. Kumain kasama ‘yung mga mahal mo sa buhay. Kausapin ang Lord at aralin ang salita Niya. Tapos mahalin ang lahat ng tao sa paligid mo.

“Na-realize namin na dapat naming pahalagahan ang oras ngayon na kasama ang pamilya at mahal mo sa buhay. Kasi ang pera madaling kitain pero ang oras na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay ang mahirap maibalik,” pagtatapos ni MJ.

John Fontanilla

About Hataw Tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *