Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DOTS cast, mas naging close dahil sa lock-in taping

SA guesting nila sa Kapuso ArtisTambayan, ikinuwento ng cast members ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation na mas naging close sila dahil sa lock-in taping noong nakaraang buwan.

Pagbabahagi ni Dingdong Dantes, “Mas naging tight nga ‘yung samahan kasi imagine tuloy-tuloy kami magkakasama kahit na medyo challenging pero masaya pa rin, ‘di ba? Mas naging close pa nga kami dahil sa lock-in taping kasi prior to that maganda na ‘yung working relationship naming lahat, eh.”

Kahit magkakahiwalay ang tent at mahigpit silang sumusunod sa social distancing, nagawa pa rin nilang mag-bonding sa free day nila.

Kuwento ni Jennylyn Mercado, “Noong nag-lock in, magkakahiwalay kami ng tent tapos magkikita-kita lang kami sa set tapos kapag free day namin, si Jasmine nagwo-workout, sila Dong, nagwo-workout. Nakaka-miss lang ‘yung masayang samahan ng ‘DOTS’ kasi para na kaming isang pamilya.”

Napapanood na muli ang Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation na nagsimula noong Lunes, October 26, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …