Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michelle at buong angkan, umalis na sa condo ni Super Tekla; Donita Nose, tinulungang maglinis ang kaibigan

MATAPOS na umalis sa condo ni Super Tekla ang live-in partner niyang si Michelle Lhor Banaag kasama ang buong pamilya na dating nakatira rin sa condo unit niya, ang unang nagpunta roon para maglinis ay ang kaibigan niyang si Donita Nose.

Nang pumasok sila ay maraming nagkalat na basura na iniwan na sa loob ng condo, at iyong lababo sa kitchen ay nangingipalpal sa mga hugasin bukod pa sa mga tirang pagkain na iniwan na lang doon. Matapos na linisin ng dalawang komedyante ang condo, naglabas ulit si Donita ng video na nagpapakitang nasa ayos na at malinis na ang kapaligiran.

Si Tekla naman ay nagpahayag na lang ng pasasalamat sa Diyos at “tapos na rin ang lahat.”

Umamin din si Michelle na nagkaharap na sila ni Tekla sa barangay at nagkasundong susustentuhan ng komedyante ang kanyang anak. Iyong anak lang nila ang pinag-usapang bibigyan ng sustento, at hindi na kagaya noong dati na ang buong pamilya ni Michelle ay nakakarga kay Tekla.

Inamin din ni Michelle na nasasaktan siya sa pamba-bash ng mga tao sa kanya, lalo na’t naglabasan na mas marami ngang kumampi kay Tekla. Ang nasabi na lang niya, “bakit hindi na ba ako maaaring magbago.”
Nagsalita rin naman si Tekla na tigilan na ng mga basher si Michelle, tutal nagkasundo na sila. Naayos na ang lahat at bagama’t ngayon nga ay hiwalay na sila, sinasabi niyang sa palagay niya mas mabuti nga ang ganoon para sa kanilang dalawa. Tanggap na rin naman ni Tekla ang talagang sitwasyon nila at ng kanilang relasyon noon pa man. Akala lang siguro niya ay makakayanan niya ang lahat.

At least ngayon, matatahimik na sila.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …