Thursday , December 26 2024

Jueteng ni Tony Ongas sa Pangasinan, tuloy… at patuloy na dinudurog ni Gen. Azurin

ANG lakas ng apog ng magwe-jueteng na si alyas Tony Ongas sa Pangasinan. Bakit? Sa kabila kasi ng bawal ang kanyang ‘negosyo’ – ilegal kasi, aba’y napakalakas ng loob para patakbuhin sa Pangasinan.

Wala siyang pakialam sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa patuloy na pagkalat ng CoVid 19. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na madaling mahawaan ang isang tao kapag lumabag sa health protocols lalo ang social distancing.

Hindi naman din lingid sa kaalaman natin na sa pagpapataya ng jueteng ay malapitang nagungubra ang mga kobrador ni Tony Ongas. Ibig sabihin, sila-sila, kobrador at mananaya ang may posibilidad na magiging instrumento sa pagkakalat ng CoVid sa Pangasinan.
Pero sa kabila pa rin ng lahat, sige pa rin sa gerilya type na jueteng si Tony Ongas. Siyempre, walang pakialam si Tony Ongas sa problema sa virus dahil hindi naman siya iyong lumalabas para magpataya.

Bukod dito, hindi maglalakas loob si Tony Ongas kung walang nagbigay basbas sa kanya na maimpluwensiyang tao sa lalawigan ng Pangasinan.

Iyon nga lang, hindi ubra ang ‘ka-ongas-an’ ni Tony Ongas kay Police Regional Office 1, Regional Director P/Brig. Gen. Rodolfo Azurin, Jr., dahil hindi siya sinasanto ni Azurin.

Kung kaliwa’t kanan ang patagong jueteng ni Tony Ongas sa teritoryo ni Azurin, lalong dinoble ni RD ang kampanya niya laban sa pasugalan ni Ongas.

Maalala ko nga pala, ilang buwan na ang nakalilipas, ibinunyag ni Boss Jerry Yap (Bulabugin) sa pahayagang ito, ang operasyon ng jueteng ni Tony Ongas sa lalawigan. Hayun, nakakita rin ng katapat si Tony Ongas. Agad na inaksiyonan ni RD ang panawagan sa kanya laban sa jueteng.
Ipinahuli niya sa kanyang mga tauhan at opisyal ang jueteng ni Ongas – marami-rami rin ang mga naaresto at kinasuhan.

Pero, tila nagpahinga lang nang bahagya si Tony Ongas at binuksan muli ang kanyang jueteng dahil sa basbas ng isang alyas Ama.

Ano pa man, hindi pa rin umubra si Tony Ongas kay Gen. Azurin. Kung tuloy si Ongas sa operasyon, hindi naman nagpapahinga si Azurin sa pagpapahuli sa mga tauhan ni Ongas.

Kamakailan, batay sa direktiba ni Azurin mahigit 150 katao – kobrador at mananaya ang inaresto sa ilang bayan ng Pangasinan. Katunayan, may binabanggit pang padrino si Tony Ongas pero, hindi ito umubra kay Azurin sampu ng kanyang mga opisyal. Patuloy pa rin nilang hinuhuli at sinisikap na masugpo ang jueteng ni Tony Ongas.

Iyan si Gen. Azurin, walang takot na banggain si Tony Ongas kahit kung sino-sino ang binabanggit na padrino ng kanyang mga tauhan ay hindi umubra kay Azurin. Tinuluyan at kinasuhan ng tropa ni Azurin ang mga inaresto.
Hindi lamang kampanya laban sa jueteng nakapokus si Azurin kung hindi maging sa online tupada “sabon.” Bawal at ilegal din ito. Talamak rin kasi ang online sabong ni alyas Ang sa Pangasinan. Kaya, kaliwa’t kanan din ang panghuhuli ng iba’t ibang pulisya sa lalawigan batay na rin sa direktiba ni Azurin.

Siyempre, higit sa lahat ay nakapokus si Azurin laban sa kriminalidad lalo sa ilegal na droga para sa kapakanan ng mamamayan ng lalawigan.

Kung ibang klaseng lakas ng loob mayroon si Tony Ongas, lalong ibang klaseng leadership naman mayroon si Gen. Azurin. Hindi ubra kay Azurin ang mga binabanggit na padrino ni Ongas. Tablado si Ongas. Pero sir Gen. Azurin, dobleng bantay pa kayo dahil tiyak na babalik at babalik si Ongas sa pambubuwisit sa inyo.

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *