Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gardo, pinaratangang bakla (dahil sa kimpy boxer short at high heels)

NAKATUTUWA si Gardo Versoza, aktibo kasi siya sa pagti-Tiktok. Ipino-post niya ito sa kanyang Instagram account, at makikita ritong tila naging trademark na niya ang pagsusuot ng skimpy boxer shorts at high heels habang nagsasayaw.

O ‘di ba, maiisip mo ba na ang kilalang dating sexy star na nag-shift sa action ay magti-Tiktok?

Naaaliw ang netizens na makita ang galing sa pagkembot ni Gardo, kasama pa ang kanyang misis na si Ivy. Nakatutuwa sila talagang panoorin.

Pero kung marami ang naaaliw sa mga dance challenge nina Gardo at Ivy, may mga tao rin na hindi natutuwa at binabatikos ang mag-asawa.

Ayon kay Gardo, may mga humuhusga sa kanya na siya ay bakla. Pero deadma lang naman sila sa bashers.

“Kahit saan naman yata may bashers. May mga nagsasabi na, ‘Sabi ko na, ‘Aba, bakla ‘yan. eh. Hindi lang nag-a-out dati, pero ngayon out na siya.’

“Minsan sinasabi, ‘Tingnan niyo, mas mukha pa siyang babae sa asawa niya.’ ‘Yung mga ganoong bashing hindi natin maiiwasan,” sabi ni Gardo sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Mas nakatutok ang atensiyon nilang mag-asawa sa mga taong natutuwa sa kanilang videos.

“Basta kaming mag-asawa, hangad lang namin, makapag-share ng kahit kaunting saya, lalo na ngayong pandemya. Kapag negative, huwag nang patulan.”

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …