Friday , November 15 2024

Grace Poe tutok sa PWDs, PUV drivers

MALAKING challenge pa rin sa ating mga kababayang may kapansanan o silang mga tinatawag na persons with disabilities (PWDs) ang araw-araw na paglabas ng bahay lalo kung kailangan nilang pumasok sa kanilang mga trabaho o sa eskuwela.

Ito nga ay dahil sa limitado o kulang na pasilidad na masasabi nating disability-friendly. Kaya parusa talaga ang paglabas ng bahay, pagtawid sa mga kalsada, pagsakay sa mga pampublikong sasakyan, pagtungo sa mga government offices at marami pang iba.

Mayroon tayong 1.4 milyong PWDs sa bansa na gusto talagang matutukan ni Senador Grace Poe. Nais niyang mapaglaanan ng budget sa susunod na taon ang pagpapatayo ng disability-friendly facilities.

Ayon kay Grace, chairperson ng Senate committee on public services, umabot sa P560 milyon ang inilaan sa naturang pasilidad na kumakatawan sa 0.05 porsiyento ng kabuuang budget sa infrastructure.

Ito ay sa kabila na aabot sa P1.07 trilyon ang inilaan sa capital outlay sa ilalim ng National Expenditure Program para sa 2021.

“Halos 1.4 million ang ating PWDs (persons with disabilities). Bakit halos walang laman ang salop para sa kanila?” ayon sa senadora.

Sang-ayon tayo sa nais mangyari ng senadora lalo’t sa panawagan nito sa pamahalaan na kung maaari lang ay paglaanan din naman ng pansin ang ating mga kababayang PWDs. Hindi lang simpleng pagrereserba ng upuan sa kanila sa mga pampublikong sasakyan ang maaaring gawin sa kanila at sana nga ay makita nila ito.

Bukod sa PWDs, hindi rin dapat pinalalagpas ng gobyerno ang pagtutok sa mga pangangailangan ng maliliit nating mga kababayang tsuper ng pampublikong sasakyan, na hanggang ngayon ay lalo pang pinalala ang kondisyon ng kanilang buhay dahil sa pandemyang coronavirus.
At gaya rin ng mga naunang panawagan ni Grace sa LTFRB baka puwede nang dagdagan ang bilang ng mga pampasaherong jeepney na pumapasada sa Metro Manila, lalo ngayong higit na mas maluwag ang restriksyong ipinaiiral dahil nga nasa ilalim na tayo ng General Community Quarantine (GCQ), na nagbigay daan sa maraming negosyo para tuluyang makapagbukas ng kanilang operasyon.

Marami na rin mga manggagawa at empleyado ang pumapasok sa kanilang trabaho at mas napaikli na rin ang oras ng curfew, kung kaya’t mas kailangan ng maraming masasakyan.

Ang ganitong mga bagay ang nakikita ng senador na dapat bigyang konsiderasyon ng ating pamahalaan. At sana nga lang ay hind maging bulag o bingi ang ating pamahalaan sa panawagang ito para na rin sa kabutihan ng ating maliliit na kababayang driver.

SIPAT

ni MAT VICENCIO

About Hataw Tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *